Chapter 11: Eye Contact
Jay's Point of View
Hindi ko alam kung paano, kailan o ano... Basta bati na kami ni Alexis.
Walang sorry, walang habulan. Basta. Okay na kami. At syempre, tuwa na ko nun! Hindi ko naman kayang magalit sa kaniya ng sobrang tagal. Ano bang term na ginamit ni Daphne? Ah yun... Marupok daw ako.
Eh, hindi ko mapigilan eh.
Magkatabi ulit kami sa school bus, gaya ng usual. Friday na ulit ngayon at bukas ay makikikain siya sa bahay namin... Nasabihan ko na sila Mama at todo encourage naman sila.
Just then, may bigla akong naalala. Gusto ko itong itanong sa kaniya, kaso—Shocks!—baka naman maoffend siya. Eh kababati palang namin. Ayaw kong magkatampuhan ulit kami...
Pero go na rin. Malay mo sagutin?
"Nga pala Alexis. Si Janine daw ba naging girlfriend mo?" Sa wakas ay naitanong ko na rin. Ginugulo kasi ng tanong na yan yung isip ko nitong mga nakaraang araw, simula nung dumating si Janine.
Napatingin siya sa akin. "Bakit? Wag kang magselos sa kanya, anak lang siya ng kaibigan ng Tatay ko."
"Sino namang may sabing nagseselos ako?" Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Sus! Selos? Feelingero rin pala itong isang 'to. Siya nga nagseselos kay Jan Rui kahit wala namang dapat ikaselos. Hindi ko naman naging boyfriend si Rui... Siya, naging girlfriend niya si Janine.
"Wala lang..." Mahina niyang sagot. "Pero oo, ex-girlfriend ko nga siya." Naningkit ang mga mata ko.
"Paano? Parang one-sided lang naman yung love niyo." Tanong ko ulit, this time, ngumiti siya.
"Pinilit lang ako ng Tatay ko, and the old Alexis, being a fool, did what that bastard told me..." Pahina nang pahina niyang sabi. Hindi ko naprocess ng maayos yung sinabi niya... Halatang may galit siya sa Tatay niya. "Magpapaalam pa nga pala ako kay Mama na makikikain ako sa inyo, samahan mo ko?"
Naramdaman ko nalang ang sarili ko na tumango sa tanong niya.
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
Pagdating sa classroom ay nakita ko si Janine na sa upuan ko pa rin dati siya nakaupo. Inilibot ko ang paningin at nakitang wala masyadong tao. Mukhang maaga pa.
Naramdaman ko ang pagtaas ng kilay ko. Mukhang may iniintay si babaita ah.
Andaming absent. Tsk. Friday sickness, sakit ng mga studyante na nagte-take place lang tuwing Friday. Katamaran ayon sa mga matatanda. May ganitong sakit din pala yung halos karamihan sa barkada.
Uupo sana ako sa bago kong pwesto nang mauna na si Alexis dito. Binigyan ko siya ng 'Bakit-ka-nakaupo-dyan' na tingin.
Ininguso niya ang upuan niya at doon na lamang ako umupo.
"Hi Six!" Bati ni Janine na agad namang nagpa-irita sa tenga ko. Gosh, isang tao lang ang pagitan, bakit kailangan pang sumigaw?
Binigyan ko si Alexis ng tingin na nagsasabing 'Wag-mo-siyang-pansinin' at tumango naman siya bago tumingin sa blackboard na puro 'Mga teachers! Wag po munang mag-klase.' ang nakasulat.
"Mukhang lumelevel-up ah." Mapanukso ang naging boses ni Joyce.
"Talks via eye contact." Napatingin ako kay Daphne nang sabihin niya iyon, nakakurba ang gilid ng labi niya pataas, parang nanunukso. Bago yan ah.
Tumingin sa akin si Alexis. Siya naman ngayon ang nagbigay sa akin ng tingin na sa tingin ko ay nag-sasabing 'Hayaan mo sila.' habang nagpapabalik-balik ang mga mata niya sa barkada at sa akin.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...