Epilogue (part 1)

40 8 30
                                    

A/N: Hi! This is the epilogue... Naisipan kong ihiwalay yung part ni Alexis at Jan Rui sa part ni Jaylie... Hope that's okay with you... Hehe.

Also... DO NOT READ THIS PART if you're not yet done reading the previous chapters. You will be confused.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

Epilogue p.1

Jay's Point of View

Ten years later...

"Alexis! Jay!" Sigaw sa akin ni Jan Rui. "Hanggang ngayon ba naman? Tataguan niyo pa rin ako?!"

"Shh.." Tinakpan ko ang bibig ni Alexis. "Don't make a noise ha?"

Tumango ang anak ko. Napangiti ako. Ang cute talaga niya.

"Kanina pa ako sumirit ah! Sige kayo, pag nahanap ko kayo—Aha!"

Humagikhik si Alexis nang hilahin siya sa paa ni Jan Rui. Nagmake-face ako at lumabas sa pinagtataguan ko.

"Wag mo ngang hilahin sa paa yang anak ko." Pagtataray ko sa kaniya.

"Anak ko rin siya Jaylie. Anak natin to be exact." Tumaas-baba ang dalawa niyang kilay kaya hinampas ko siya sa balikat at pinandilatan ng mata.

Humarang naman sa harap niya ang aming anak. Tuwang-tuwa pa si Jan Rui dahil sa nangyari.

Binuhat ko si Alexis at hinalikan ang pisngi niya.

"No I won't."

"Di ba? Sabi sa'yo lab ako ng Mommy mo eh." Lumapit sa akin si Jan Rui pero kinurot ko siya sa tagiliran. "Anak ng kagang... Masakit!"

"Alam ko! Layo nga!" Sigaw ko sa kaniya. Tumawa naman siya.

Napatingin ako sa anak namin.

Alexis Luthor Castillo.

Hindi ko alam kung saan nanggaling yung pangalan na yun pero nagustuhan ko kaya yun ang ipinangalan ko sa kaniya.

Twenty-four years old ako nung nanganak ako sa kaniya. Kaka-graduate ko lang ng Tourism at kaka-propose pa lang ni Jan Rui sa akin.

I can't believe I ended up with him, hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinagot. Pero naging masaya ako kasama siya, I started to have feelings for him when he started courting me. Naalala ko pa nung nagpaalam siyang manligaw, para siyang hihimatayin... Nakakatawang alalahanin.

Nung nagbubuntis ako kay Alexis. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang pangalang 'Alexis Luthor' o di kaya nama'y 'Alexis' kaya iyon ang ipinangalan ko sa baby namin.

Nagtaka nga si Jan Rui eh. Muntik nang magmaktol. Bakit wala man lang daw akong kinuha sa pangalan niya. Natahimik lang siya nang sabihin kong Defender of people ang ibig sabihin ng pangalang yun.

Nalaman ko yun with the help of Kumareng Google.

Nakatakda na kaming ikasal ni Jan Rui sa birthday ni Baby Alexis next year.

Napangiti ako.

Ito lang naman ang gusto ko... Ang makabuo ng isang masayang pamilya. Sa wakas ay natupad rin.

I wasn't able to remember the things I tried to remember after I woke up from being comatosed. I was a bit devastated because I knew it was important, but I eventually learned to let go.

It was a miracle that I survived, so I decided to start a new life.

Isang bagong buhay kung saan wala akong pagsisisi... Isang bagong buhay kung saan hindi ako aasa ng sobrang taas at masasawi sa huli... Isang bagong buhay kung saan hindi ko na babalikan yung mga masasakit na ala-alang nangyari noon.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

"Sanghoon-oppa!"

Napalingon kami ni Daphne at ni Jan Rui sa babaeng blonde ang buhok na tumatakbo papunta sa isang lalaki. Korean sila parehas, ang cute!

Lumingon yung lalaki. Sa hindi malamang dahilan, nagkatagpo yung mga tingin namin.

 Sa hindi malamang dahilan, nagkatagpo yung mga tingin namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A blast of familiarity hits me.

A blast of familiarity hits me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ngayon ko lang nakita ang lalaki pero parang nakasama ko na siya noon pa.

I quickly shook my head to get rid of the thoughts.

"Ayos ka lang Jaylie?" Tanong ni Daphne.

"Oo... Na-amaze lang ako kasi nakakita ako ng dalawang Koreano."

Daphne eyed me suspiciously but decided to let it go.

Where and when have I seen that guy before?

*

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon