Chapter 3

87 11 94
                                    

Chapter 3: Mutual Understanding

Jay's Point of View

"Crush kita... 'Lam mo yun?"

Gusto kong sampalin ang sarili ko sa sariling sinabi ko kahapon. Ang engot mo Jaylie! Shocks! Bakit ganun ang ginawa mo?

Napabuntong-hininga ako... Atleast hindi 'pa' niya ako iniiwasan, maging sa Social Media man o personal.

In-accept na rin niya yung Friend request ko sa Facebook na nangangalawang na... Sa wakas... That's a good thing, I'm sure.

Nag-iisip pa ako ng posibleng mangyari nang may biglang malakas na palatok akong naramdaman, kasunod nun ay tawanan..

Napalingon ako sa katabi ko. Bakit kailangang manakit? Shocks, ang bigat kaya ng kamay niya!

"May teacher Jaylie." Explanation ni Daphne, siya yung bumatok sa akin.

Iirapan ko sana siya nang dumapo ang mga mata ko sa harap. Nakasimangot at nakakunot ang noo ng teacher sa har--Shocks! May teacher na nga pala kami ngayon sa English!

"May iniisip oh." Tukso ni Dimakulangan, yung isa kong kaklaseng palaging nauutusan, napairap nalang ako ng pabiro, baka kasi ma-offend.

"May iniibig ka na Jay-jay? Pano si Ton-ton nan?" Bumunghalit ng tawa ang isa ko pang kaklase, babae naman, habang sinuntok naman siya ni Ton-ton'g katabi niya sa braso, inirapan ko ulit sila.

"Dalaga na siya..." Tukso naman ng isa pa kaya napasimangot ako. Bakit nila ako pinagtutulungan?

"Hayaan niyo na siyang isipin yung crush niya. Baka magkatuluyan rin sila." Hala! Pati si Ma'am, nakisali na rin!

Napayuko nalang ako. Namumula ang pisngi.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

"Jay." Tawag sa akin ni Daphne. "Si Jan Rui nakita mo ba?"

"Ewan."

"Tingnan mo yung lalaking 'yun... Naturingang pinsan... Kutos yun sa akin mamaya."

Natawa nalang ako sa kaniya.

Magpinsan sila ni Jan Rui, parehas silang Castillo. Kahit na mas matangkad si Jan Rui, mas matanda naman si Daphne sa dugo kaya kung magsalita siya patungkol dito ay parang bata ang tinutukoy niya.

Kung sana may pinsan lang akong maaasar... Hindi kasi kami close ng karamihan ng mga pinsan ko... Yung dadalawa kong ka-close, bumalik na sa Visayas.

"Saan kaya 'yun nagpunta?"

"Natingnan mo na ba sa classroom niya?" Tanong ko sa kaniya.

As if on cue biglang dumating si Jan Rui. Nakasukbit sa kanang balikat ang kaniyang itim na bag, habang ang jacket naman niyang black and white ay nasa kaliwang balikat niya. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at yung normal na uniform. Yung black slacks at black shoes na pampasok.

Shocks. San kaya ang lamay? All black eh. Bakit kaya ganyan ang suot niya?

"Daph, ayan na service natin." Tawag nito kaya tumango nalang si Daphne at sumunod sa kaniya.

Nginitian ako ni Jan Rui at sumaludo siya. Kumaway lang si Daphne habang hindi nakatingin.

Napanguso ako at mag-isang tumungtong papasok ng school bus. Umupo ako sa dating pwesto at laking gulat ko naman nang makita si Alexis na umupo ulit sa tabi ko.

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon