Chapter 22

31 7 38
                                    

Chapter 22: Methamorphose

Jay's Point of View

Isang linggo na ulit ang dumaan matapos nung pag-uusap naming yon ni Jan Rui.

Kapansin-pansing nagbago rin ang pakikitungo ni Alexis kay Jan Rui. Para bang bigla nalang may imaginary line sa pagitan nilang dalawa. Minsan, mahuhuli ko ang masasamang tingin ni Alexis kay Jan Rui, minsan naman, makikita ko ang pag-uusap nila Jan Rui at Daphne sa isang tabi, mahuhuli ko ang dalawa na nakatingin sa akin. Sa amin.

Isa pa, nagbago rin si Alexis sa akin. Para bang... Medyo nagiging possessive siya? Pero pinapayagan pa naman niya akong gawin ang kung anong gusto ko. Naging sweet rin siya... Mas sweet. Nung Saturday ay nakikain nga siya sa amin.

Syempre, todo tanong sina Mama at Papa. Kesyo daw ba nililigawan niya daw ako. Kesyo ganto. Kesyo ganyan.

Isa pa ulit, hindi lang sila ang nakikita kong nagbabago.

Si Anjyll, hindi na siya madalas ngumiti at tumawa katulad nung First Quarter. Madalas ko siyang nahuhuling nakasimangot, kung hindi naman, palaging lutang.

Si Fari. Apektado sa pagbabago ng mga pinsan niya. May something off rin sa kaniya.

Ang tropa? Hindi na madalas nakikipag-usap sa amin. May sari-sarilong mga mundo.

Si Henry, di na nagpapaka-pampam.

Si Harvis, madalas busy sa training.

Si Mat, ewan ko dun, laging kaharap ang cellphone.

Si Yvonna at Joyce naman, hindi ko alam pero tingin ko, medyo dumidistansya sa amin.

Si Janine naman, palaging nakasama kina Joyce at Yvonna. Di na siya halos nakikipag-usap kay Alexis tulad ng madalas niyang ginagawa.

At syempre, mawawala pa ba ang paepal, Raina-reynahang, impaktang maldita na nakaupo sa may likod namin? Mas tumindi ang pagpapa-pansin niya! Umabot sa puntong lagi siyang kay Alexis nakatanong! Nakakaimbyerna lang!

Kakatapos lang ng Monthly Exams namin. Malapit na ring mag-Periodical.

Ewan ko ba, sana sa Third Quarter, ayos na ang lahat. Wala sanang mangyaring gulo. Ayaw kong magkaproblema kami kung kailan malapit nang mag-Fourth Quarter.

Baka kung kailan magpapa-alam na kaming lahat sa isa't isa, tsaka pa kami magkalabuan.

"Seryoso ata ang iniisip mo ah." Nakangiting ika ni Alexis. "Ano yun Jaylie?"

Nasa park ulit kami. Dating spot. Dating lugar pa rin. Saturday na naman ngayon kaya naisipan naming magkaroon ng 'date' kuno. Date na hindi officially date, pero date, pero may meaning para sa amin.

"Wala 'to Alexis..." Sabi ko na lang with matching ngiti. "Ano lang... Medyo... Naninibago lang."

Inakbayan niya ako at bahagyang inilapit sa kaniya.

"Bakit naman?"

"Wala lang. Medyo, hindi na kasi tayo nakikipag-usap sa tropa. Kina Joyce. Kina Janice... Kina Jan Rui."

Nagdilim ang ekspresyon niya sa di ko maipaliwanag na dahilan.

"Nga pala. Pwede bang... Iwasan mong madikitan si Jan Rui?" Bumuka ang bibig ko, handa nang magtanong nang mapatigil niya ako sa pamamagitan ng isang tap sa labi ko. "Hindi naman literal. What I mean is. Iwasan mo sana yung mga papisil-pisil niya sa pisngi mo, pagyayakap niyo, halos pagdikit na ng mukha niya sa'yo... Akbay... Mga ganun." Nakayuko niyang dagdag.

"But... Bakit naman? Bestfriend mo siya di ba?" Hindi ko pa rin naiwasan ang pagtatanong. Gosh Jaylie! Chismosa talaga.

Pero sabagay, gusto kong malaman. Dahil ba sa akin, kaya sila nagkakaganyan? Hindi naman sa assuming ako o ano... Pero alam ko namang kunektado ako sa dahilan kung bakit sila hindi nagpapansinan eh.

"He..." Natigil siya. "Wala. Nagseselos ako."

Napanguso ako. Tinaasan siya ng kilay at bahagyang inilayo ang ulo.

"Oh come on. Magkaibigan lang kami." Binigyan ko siya ng isang reassuring smile. "Alam mo... Alexis. Alexis Luthor..."

Inihiga ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Tayo lang forever."

"Which reminds me."

Naglabas siya ng dalawang kwintas na kulay silver. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang couple necklaces yun. Isang heart at isang key.

Binigay niya sa akin ang necklace na may key na pendant, pinagmasdan ko ito bago niya muling kunin at isuot sa akin.

"Jaylie. Jayson or Lily." Napanguso ako ng bahagya. "You now hold the key to my heart. I trust you to keep it close to your heartbeat." Ngumiti siya at isinuot ang kwintas na may heart. "Vice versa."

Ginantihan ko rin siya ng ngiti. Hinalikan niya ako sa bumbunan.

"I want to show you something."

Pumunta kami sa medyo isolated na part ng park. And by isolated, I mean, wala talagang masyadong tao. Ano kayang dahilan at dinala niya ako dito?

Namangha ako sa nakita ko.

Andaming murals na nakapinta sa pathway, andami ring graffiti sa mga pader.

"Freedom Lane ang tawag dito." Sabi ni Alexis. "Sabi ng Mayor, maganda daw kung may lugar kung saan pwede nating ihayag ang mga nararamdaman natin."

Shocks! Matagal na ako dito pero ngayon ko lang narinig ang tungkol dito sa Freedom Lane na'to!

Andaming nakapinta. May nakita akong agila, rainbow, rosas, nagpropropose na lalaki... Meron pang mga gloomy na art katulad nung isa sa right, isang raincloud, at nung isa pa sa left, isang babaeng dahan-dahang tinatahi ang sarili niya dahil sa dami ng sugat niya.

Dinala ako ni Alexis sa isang puting corner kung saan maraming nakasulat na kung anu-ano. Naglabas siya ng isang Sharpie at nagsulat.

알렉시스와 제이리 영원히 ♥

"Ano yan?" Natatawa kong tanong. Oo, alam kong part Korean siya, di na niya kailangang ipamukha sakin yun no!

Natawa rin siya at nagsulat ulit. This time naman, hindi na Hangul, Alphabet na pero di ko pa rin maintindihan.

"Allegsiseuwa jeili yeong-wonhi...?" Basa ko sa isinulat niya. "Anong ibig sabihin nito?"

"Ang cute mo." Pinisil niya ang pisngi ko. "It means... Alexis and Jaylie... Forever."

Nagkatinginan kaming dalawa.

Nabasag iyon nang dahan-dahan niya akong halikan sa labi.

Hindi ito madiin o malagkit o ano. He just brushed his lips on mine.

Alam ko... Maraming nagbago sa aming dalawa. Ang layo at haba na ng progress... Malapit na kami sa point kung saan para na kaming matagal nang magkasintahan.

Pero... Hindi ko naman inakalang... Everything around us will change... And this thing between me and him? It also changed.

*

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon