Chapter 5: His Smile
Jay's Point of View
What? Siya talaga yung teacher namin? Hala, shocks naman!
"Our first subject is English. I expect all of you to speak in english, if not, atleast try to." Ngumiti si Ma'am at nilibot ang paningin sa buong classroom.
"English speaking nanaman." Nadinig kong reklamo ni Harvis, mukhang ayaw niya ng subject na'to.
"Hey, speak in english!" Sita dito ni Henry.
"Edi wow."
Speak in English? Gosh! Go Jaylie Raquel, keri mo yan! English lang yan... Para lang yang Taglish, minus yung Tagalog part.
"So... Before we discuss anything, I would like to recommend you to wear nametags tomorrow para mas madali ko kayong makilala at matawag." Matapos nun ay nagsulat si Ma'am ng kung anu-ano sa board at nagdiscuss.
Tuwing magtatanong siya tungkol sa subject ay nakataas ang kamay ko, tuwing alam ko lang yung sagot syempre... At dahil dun, ako lagi ang natatawag. Pampa-impress lang kahit kaunti!
"Naks. Pampagood-shot ano?" Tukso ni Jan Rui sa akin kaya inirapan ko siya. "Luh 'to... Pabibo ka rin eh, ano?" Dagdag pa niya at tsaka tumawa ng malakas. Lahat ng nasa loob ng classroom ay napatingin sa kaniya, napa-iling si Alexis habang nagpipigil naman ako ng tawa.
"Mr. Castillo." Pinandilatan ni Mama--este--Ma'am pala si Jan Rui. Napalabi naman si Jan Rui, di ko lang sure kung dahil ba yon sa hiya o ano. "Since you're so kind and cooperative, please answer the question on the board."
Pagkakataon ko naman para tumawa kaso wag nalang. Baka tawagin rin ako! Kahit gusto kong magpa-impress, hindi ko alam yung sagot...
Wala namang mali kung mali yung maisagot ko... Pero nakakahiya pa rin naman.
Nakangisi pa rin ako nang bumalik si Jan Rui sa upuan niya. Yan, asar pa more, kaya ganyan napapala mo eh...
══════ ∘◦❁◦∘ ══════
"Jay, yung pinsan ko nga pala, sabi niya bukas nalang siya papasok kasi nilagnat bigla." Paliwanag ni Jan Rui nang magtaka ako dahil hindi pa nadating si Daphne. Tumango nalang ako para sabihing 'Okay'. Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin ito sa akin.
Iniwan kami ng barkada ni Alexis sa classroom para sa Recess, nagpabili na lang siya at may baon naman ako na hinanda ni Mama kanina.
Saktong paglabas ko ng tinapay kong BLT ay nagsalita siya.
"So..."
"So...?"
"Anong tingin mo sa kanila?" Tanong niya.
"They're nice..." Ngumiti ako at naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko, panigurado namumula na ako ngayon.. Inalok ko siya ng sandwich pero umiling lang siya. "Oo nga pala, bakit kayo magkaklase ng kapatid mo?"
Biglang nagbago ang ihip ng hangin. So awkward kaya, kaya di nalang ako nagsalita pa.
"Nevermind nalang... Eh si Fari, anong tunay na pangalan?"
"Fari lang." Sagot niya. Grabe, wala pa ring pinagbago, isang tanong, isang sagot! Maski sa chat, ganto rin... Akala ko pa naman madaldal siya kahit papano sa personal.
"Oh..." Napatango nalang ako. "I wanna ask something again."
Tumango lang siya kaya muntik na akong mapanguso. Hindi ba talaga siya dadaldal ng kahit kaunti lang?
"Bakit isang tanong, isang sagot ka?" I whispered. Ewan lang kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Hala, shocks! Di kaya narinig niya yun?
Wala naman siyang reaksyon. Siguro di niya narinig. Shutanginamers ka naman Jaylie, bakit lumabas yun sa bibig mo? Naman eh! Mapapahiya ka pa kay Alexis!
"Uh... Wag mo nalang pansinin yung nasabi ko." Nag-pilit ako ng ngiti pero tumingin lamang siya sa akin at ngumiti, yung labas ang ngipin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko bago pa ma-process ang nangyari.
N-G-U-M-I-T-I SIYA.
Kyaaaaaah! Ang gwapo! Biglang uminit!
Tengene Jaylie, hindi bagay! Ang landi mo! Ang landi mo Jaylie! Malandi!
Mala-Rapido pa rin sa bilis ang tibok ng puso ko. Alam kong namumula na ang pisngi ko ngayon dahil sobrang init na ang nararamdaman ko. Hindi naman siguro ito dahil sa temperature. Shocks, naka-aircon kaya kami!
Okay, kalma, ngiti lang yun...
"N-Namumula ka." He pointed out kaya napatakip ako ng mukha at napalingon sa ibang direksyon. Shocks! Bakit napansin niya pa? He gave out a small chuckle. "You're cute."
Muntikan na akong mapanganga sa sinabi niya. Shocks-He said I'm cute! At tumawa siya! Matutunaw ako ng wala sa oras eh!
"A-Ako?" Parang tanga kong itinuro ang sarili ko. Nag-smile ako ng kaunti at iniipit sa likod ng tenga ko ang loose strands ng buhok ko.
"Hmm." Tumango siya at napansin ko rin na namumula na ang tenga niya. Di kaya yun ang blush niya? Ang cute talaga!
Ugh, ano ba yan! Bakit ba kasi ganto itong kaharap ko. Gwapo na nga, cute pa!
"Hindi kaya..." Kunwaring tanggi ko kahit umaapaw na ako sa kilig.
"Eh di hindi." Sagot niya pero namumula pa rin ang tenga niya.
Biglang nabawasan tung nararamdaman kong kilig. Napalabi ako bago napasimangot. Shete, bakit naman binawi pa niya? Eh ikaw Jay, bakit ang arte mo?
Nag-pilit ako ng tawa pero ang awkward yung lumabas. "Sabi sa iyo hindi eh..."
"You're not cute." Sagot niya habang tumatango-tango pa.
Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso kasi, hindi mukhang nagbibiro... Na-offend ba siya sa sinabi ko?
Magtatanong na sana ako nang muli siyang magsalita.
"You're beautifully gorgeous." Dagdag niya kaya natigilan ako.
Oh. My. Gosh.
Tumingin pa siya sa akin at ngumiti. As in, genuine smile. Kagaya nung ipinakita niya sa akin kanina.
"Would you agree?"
Pakiramdam ko ay sasabog na ang magandang kong mukha sa sobrang init ng mga pisngi ko. Pakiramdam ko rin ay lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito.
Shocks Alexis! Ano bang pinakain mo sa akin at parang patay na patay ako sa'yo?
Ngiti mo palang, ganito na ako... Paano pa kaya kung higit pa yan sa ngiti? Baka maisugod na ako sa ospital.
"I think you agree." He gave a small yet still cute smirk before turning away from me.
*
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...