Chapter 13: Clearing Things Out
Jay's Point of View
Ang saya ng ngiti ko pagpasok. Maaga akong nagising kaya maaga akong nakapasok, maaga rin tuloy akong nakasakay ng school bus.
Hindi ko tuloy nakasabay sa bus si Alexis, masyado kasi akong maaga. Siya rin naman ang may kasalanan kung bakit eh.
Dumating rin agad ako sa school ng maaga. Wala pa halos tao. Seven out of Twenty-five palang ata ang naandoon, seven na kasi nandito na ako.
Umupo ako sa upuan ko—Ni Jan Rui pala dati. Pagkaupo na pagkaupo ko naman ay pumasok sa classroom si Janine.
Imbes na umupo sa upuan niya ay sa upuan siya ni Alexis umupo, sa tabi ko to be exact.
"Gusto mo ba si Six—I mean... Alexis?" Agad niyang tanong. Muntik na akong mapairap sa tanong niyang yun. Duh. Hindi pa ba halata o medyo manhid lang talaga siya?
Tumango nalang ako bilang sagot. I do like him... Baka nga higit pa roon ang nararamdaman ko eh... It's too early to say. But I feel really happy when I'm with him.
"Oh..." Tanging nasambit niya nang makuha ang sagot ko. Ah... Mukhang alam ko na ang mangyayari... "I'm happy for the both of you."
Ah... Ganun pala ha... Edi--Huh? Ano daw? Happy? Masaya siya para sa amin?
"H-Ha?" Nauutal kong sambit.
Napayuko siya at wala sa sariling napangiti.
"Six also likes you. I'm glad that you like him too..."
"Hindi ka galit?" Stupid Jaylie Raquel! Bakit lumabas sa bibig mo yun? Baka masamain niya yung sinabi mo!
"No! Why should I?" Tanong niya. Natahimik ako at hinayaan siyang magsalita. "I'm happy that Six didn't got caught in an unrequited love, like I was years ago."
Tumawa siya. Genuine iyon at hindi plastic.
Maganda rin naman pala siya. Hindi ko lang siguro napapansin dahil akala ko totally bitch-y siya.
"I liked him a long time ago, you know?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. "I 'liked' him. But that was a long time ago."
"So, hindi mo na siya gusto ngayon?" Tanong ko para sigurado. Mahirap na, baka gusto pa rin niya si Alexis tapos may lihim pala siyang inis sa akin.
"I'm not planning to wreck a relationship." Sabi niya.
"Ha? Eh hindi naman kami official eh." Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa sinabi niyang iyon. Natawa naman siya sa reaction ko.
"Pero you have the same feelings for each other... Maybe it's not official but it's still a relationship... I want you to hate neither me nor Alexis." Malumanay niyang paliwanag. Napatango nalang ako.
Ngumiti siya at tumahimik. Pero may isa pa ring bagay na hindi ko pa rin nasasagot hanggang ngayon kaya nangahas na akong magtanong.
"...Bakit... Paano nga pala kayo naging close ni Alexis?". Alam kong mag-bestfriend ang tatay nila ni Alexis ko, pero pakiramdam ko hindi lang ito yung dahilan.
Para naman alam ko kung genuine ba yan o fake lang. Ang dami na kasing peke sa mundo eh... Pekeng pera, pekeng account, pekeng mukha, pekeng ugali... Shutangina! Lahat nalang peke!
"One time... Were just kids." Well... Duh? Pinigilan ko nalang ang sarili ko at nakinig nalang. "He was usually a naughty, misbehaving child." Napangiti siya sa alaala. Shocks! Hindi ko maimagine si Alexis na isang makulit na bata. Akala ko puro kasimangutan ang kabataan niya! "When he and his Dad visited us... He accidentally pushed me off our pool, a five-feet pool to be exact..."
"Ilang taon kayo nun?" Tanong ko.
"Around six years old." Sagot niya.
Teka... Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng kwento.
"So malulunod ka, he saved your life? Is that it?" Taas kilay kong tanong pero nagulat na lamang ako nang matawa siya.
"If I was the girl I was before... I would probably wish that." Tugon niya. Puro english siya. Gosh! Baka di kayanin ng brain cells ko! "But it's the other way around... Tumalon siya sa pool, not knowing that I could swim..."
"Hindi siya marunong na lumangoy?" Pigil tawa kong tanong, lumabas iyon nang tumango siya at natawa.
Napalingon ang iba naming mga kaklase, siguro'y nawiwirduhan sa amin. Well, hindi ko naman sila masisisi, bihira kaming tumawa eh! Lalo na at si Janine Ignacio ang kaharap ko... Thanks to the so-called sipsip at pabibo sa classroom, akala nilang lahat ay magkagalit kami.
Kinaiinisan lang. Galit? Masyado namang mataas.
Ewan... Basta. Shutanginamers! Ngayon lang ako nakarinig ng kwentong tumalon si Alexis sa pool kahit hindi siya marunong lumangoy! That's heroic!
"I ended up calling yaya... He got a good lecturing from Tito." Nagawa niyang sabihin kahit tawang-tawa.
"Mukhang close si Alexis at ng Tatay niya ah..." I stated. Nasaan na kaya si Daddy—este—Daddy ni Alexis ngayon?
"They are... I just don't know why they seperated... I can't imagine how." Sabi pa niya. "Dada always says that they are 'Pinagbiyak na pisngi ng pwet', he said that they looked like each other when they're younger... Actually, Alexis looked like his Dad when he was at his age."
"Bakit daw sila naghiwalay? Parang hindi pa naikwekwento sa akin ni Alexis yan ah." Pahina nang pahina kong sabi. Shocks! Tunog chismosa naman ang dating ko! Ano ba yan!
Nagsmile ng apologetic si Janine. Mukhang hindi niya kayang sabihin ang dahilan.
"Ah... Kalimutan mo nalang yung sinabi ko... Na-curious lang talaga." Dahilan ko sabay kamot ng batok. "So... Paano mo nagustuhan si Alexis?"
Parang nag-sparkle yung mga mata niya nang itanong ko ang tanong na iyon. Hala, wrong question ata tayo Jaylie.
"Uh..." Sambit ko, hindi alam ang sasabihin.
"Mabait siya, makulit... The dream guy everybody dreams of." Nawala yung sparkle. Alam ko namang dream guy si Alexis ng halos lahat. Shocks, unang tingin ko lang sa kaniya, gwapo... Crush ko na!
Palagi akong nakra-crush at first sight. Pero nagstay ako kay Alexis, sa kaniya ako pinakamatagal nagka-crush at mutual understanding. Nasa kaniya ang loyalty ko!
"It's not impossible for me to like him, more than a friend." Dugtong pa niya. Napatango ako. Oo nga naman... "I hope this clear the things between us... I assure you, I don't want to destroy Six's happiness."
Wala sa sarili akong napangiti. She's not that bad... Maybe I was wrong about her all this time.
"I'm sorry if I made you feel bad..." Dagdag niya.
"That's forgiven... And I'm sorry if I was a mean to you these past few days." Sagot ko naman sa kaniya.
Ngumiti siya. "Also forgiven..."
*
BINABASA MO ANG
In The Name of Love
RomanceStatus: Revised. Completed Nangarap si Jaylie Raquel ng isang lalaki na hindi nga perpekto, ispesipiko pero mamahalin siya ng todo. Kahit na hindi makatotohanan ang kaniyang ninanais, hindi siya tumigil sa pangangarap. Nang dumating ang panahon kung...