Chapter 17 : THIS IS JUST THE BEGINNING *COLLEEN'S 18TH B-DAY*

1.9K 111 1
                                    

Colleen POV

Kagigising ko lang at 9 am na ng umaga. Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang mag toothbrush at mag hilamos.

Ng makalabas ako ng banyo ay may narinig akong nagtatawanan mula sa baba.
Mukang may mga bisita at ngayon ko lang naalala na birthday ko nga pala!

Bumaba ako upang tignan kung sino ang mga bisita.wala sa sala baka nasa dining room.

At hindi nga ako nagkamali nasa dining room sila at ang mga kaibigan ko ang nandidito kasama nito sila momm,daddy at ate.

"Goodmorning"- bati ko sakanila. Agad ko namang naagaw ang atensyon nila dahil napatingin sila saakin.

Umupo ako sa tabi ni ate at kumuha ng pagkain.

"We should visit montessori before we leave"- ani mommy.

"Yes!maganda daw doon"- ani ate.

Nakikinig lang akosa usapan nila dahil wala ako sa mood para makipag daldalan.

Zack POV

Kasama ko si daddy at ang myembro ng mga mafia.ngayong araw namin isasagawa ang plano.

Walang kaalam alam ang mga kalaban na andito ang mga mafia. Alam kong una palang ay kailangang may mamatay.

"Lord!marami pong nakabantay"-  ani nito kay daddy.

Itinuro ni daddy kung saan kami dadaan para makapasok. nag suot ako ng maskara dahil hindi pwedeng malaman ng kalaban na ako ang anak ng mafia boss dahil ako ang tatargetin nito.

Walang bantay sa likod kaya doon kami dumaan. Mabilis at tahimik kaming kumilos para hindi agad mahuli.

Nakita ko ang boss nila na si felipe lumabas ito kaya nagkaroon kami ng tiyansang makapasok sa loob doon na kami nag paulan ng bala.

Una ay tinamaan ko sila sa binti at kinuha ko ang patalim na hawak ko ibinato sakanila iyon.natamaan ang dalawa sakania sa leeg at ang isa naman ay nakatarak ito sa dibdib.

"Boss sa likod niyo!"- sigaw saakin ng tauhan namin.

Tatangkain sana ako nitong suntukin pero mabilis ko iyong inilagan at hinawakan ko agad ang braso nito at sinipa. Ng mawalan ito ng balanse ay walang pagaalinlangan ko itong pinaputukan ng baril.

"Shit!"- bulong ko dahil pumasok ang benteng kalaban!

"Tapusin na natin to!"- sambit ko na agad naman nilang sinang ayunan.sunod sunod na putok ng baril ang pinakawalan namin sa mga kalaban tumumba agad ang iilan sakanila.

Nahagip ng nga mata ko ang kalaban na nagiisa sa gilid,nakatutok saakin ang baril nito at kinalabit nito ang gantilyo ng baril.

Mabilis akong gumalaw upang mailagan ang bala at ginanihan ko naman ito.ilang bala ang pinakawalan ko hanggang sa tumumba na siya at nawalan ng malay.

"Boss ubos na ang mga kalaban"- sambit nito.

"Good lumabas na tayo!"- ani ko.agad agad kaming bumalik kung saan kami dumaan kanina.sinipat ko ang orasan ko at saktong sampung segundo nalang at nakita ko na ang helicopter  nakita ko ang mga kaibigan ko na myembro ng black devil's.

Hinagisan nila ang mga kalaban ng bomba.

Nakita ko si felipe na sumakay ng kotse nito at sumunod naman doon si daddy.

Pinaputukan ni daddy ang gulong ng sasakyan ni felipe.

Nawala ang tingin ko kila daddy at felipe at nabaling ang tingin ko sa anak ji felipe na si allen.

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon