Chapter 22: TRAP IN MONTESSORI

1.7K 85 4
                                    

Faith POV

Limang araw na ang nakalilipas ng mangyare ang bangungot na kailan man ay hindi na namin gugustuhing maulit pa,at eto si colleen ilang araw na siyang hindi nagigising at kapag nagising siya ay hindi panigiradong hindi siya maniniwala sa mga sasabihin namin...

Kasama ko sa hospital ngayon si clark at kelly,wala na kaming balita sa university dahil hindi pa kami nakakabalik doon dahil nagaalala kami sa kalagayan ngayon ni colleen at si zack ay...

"Faith!gising na si colleen"- bigla naman akong nabuhayan sa sinabi ni kellt kaya agad akong pumasok sa room.

Colleen POV

"Mabuti at nagising kana rin"- ani kelly.

Nginitian ko lang siya bago magsalita pero inunahan na ako ni faith.

"Limang araw kang walang malay,pinagalala mo kami colleen"- ani faith na lumapit pa saakin upang yakapin ako.

Ngumiti ako sakanya niyakap siya pabalik ramdam ko ang pagtulo ng luha niya,pero mayroon akong nararamdaman na lungkot,ang bigat...ang bigat ng nararamdaman ko.

"S-si zack?"- anas ko.

Nagtinginan naman sila na may pagaalala sa itsura nila.

"B-bakit?lumungkot kayo?"- ani ko.

"Colleen,alam naming hindi ka basta bastang maniniwala sa sasabihin ko"- ani kelly.

"Ano ba yun?pinapakaba niyo naman ako"- ani ko.

"S-si zack kasi... Wala na siya"- ani kelly.

Biglang pumatak ang luha ko mula sa mga mata ko.

"Paano?,nagbibiro ba kayo?"- naiiyak kong sambit.

"Nagsasabi ako ng totoo"- ani kelly.

Lumingon ako kay faith upang makumpirma kung totoo nga ba. Tumango lang ito atsaka yumuko.

Kasabay non ang sunod sunod na pag patak ng luha ko,ang sakit sa damdamin na magigising kang wala na yung taong mahal mo...

"P-pero paano nangyare?"- anas ko.

"Bukas na ang libeng colleen kaya magpalakas ka ha?andito lang kami ni kelly"- naluluhang sambit niya.

Nadudurog ang puso ko,ang bigat ng nararamdaman ko kung panaginip lang ito...gusto ko ng gumising

Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni kelly at faith...

______

Jeffrey POV

Ilang araw na ang nakalilipas ng mangyare ang bangungot na hindi namin inaasam... Hindi na kami bumalik pa sa university dahil naghahari na doon si yass ang demonyong pumatay kay zack.

Pero...isang bagay lang ang pinagtataka ko si kris ang kanang kamay ni lord frank ay kampante lang sa lahat ng mga nangyare,kalaban ba siya?o may pinaplano siyang hindi namin alam?

Siya ang namumuno ngayon sa mafia...

Colleen POV

Mas pinili kong mapagisa kaya iniwan muna ako nila faith.

"Zack hindi pa nga tayo naguumpisa,iniwan mo na agad ako,ang daya mo"- parang tangang sambit ko kasabay non ang pagtulo ng luha ko.

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon