EPILOGUE

2.5K 109 42
                                    

Zack POV

Anim na buwan na ang nakalilipas ng ikasal kami ni colleen.

Sabado ngayon kaya hindi muna kami pumasok sa trabaho dahil gaganapin ngayon ang ikalimang kaarawan ni mark razer.

"Let's go!"- nakangiting sabi ni colleen pinagbukas ko siya ng pinto upang makasakay sa kotse.

Twenty minutes lang ang iginugol namin sa daan dahil walang masyadong trapik ngayon kaya mabilis kaming nakapunta doon.

"Are you okay?"- alalang tanong ko.

"Oo naman!"- sagot niya, namumutla kasi ito.

Ipinark ko ang kotse ko sa loob ng mansyon ng mga martinez at inalalayang makababa si colleen.

Magkahawak kamay kaming pumasok doon at nakita namin ang mga kaibigan din namin na dumalo sa birthday ni raze.

"Long time no see zack!"- ani nate at dave. Simula kasi ng ikasal kami ni colleen ay naging busy na kami sa kanya kanya naming pamilya.

Narito ang lahat ng mga kaibigan namin na sina kyle at chiara,drek at kelly na 2 months ago lang ikinasal,  faith at clark na next month pa ikakasal pero inuna nila ang pag gawa ng baby hahah! Ayus no?,jeffrey at veronica na dakilang gamer ng mobile legends!, Si sofie at nate na mukhang may feelings sa isa't isa at si dave at ang kapatid ni Colleen na si ate cheyenne nag pakasal sila ni dave last month lang!

Nasa hapagkainan na kami at sama sama kaming kumakain, walang pinagbago dahil maiingay parin sila.

Habang kumakain kami at maingay na nagkukwentuhan ang lahat ay naramdaman ko ang pag hawak ni colleen ng mahigpit sa braso ko.

Maputla ang itsura niya at mukhang nanghihina.

"Dadalhin na kita sa doctor"- ani ko, aakmang tatayo na sana ako para buhatin siya pero pinigilan niya ako.

"Wag na! Nahihilo kasi ako e"- anas niya.

Maya maya pa ay bigla nalang itong bumagsak buti na lamang ay nasalo ko siya.

"Shit!"- anas ko.

"Maiwan ko muna kayo, kailangan ko na siyang dalhin sa doctor, sumunod nalang kayo kung gusto niyo"- anas ko at dali daling isinakay ko si colleen sa kotse at halos sampung minuto lang ang itinagal namin sa daan dahil sa pagmamadali ko.

Agad namang inasikaso si colleen ng doctor. Hindi ko alam kung anong nangyare, but damn! Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa asawa ko. Hindi ako mapakali hanggang sa biglang dumating si anthon kasama si cheyenne at dave pati ang iba naming kaibigan ay sumunod rin.

"Asaan na si colleen?"- ani cheyenne.

"Nasa loob na siya, sila ma daw ang bahala kay colleen "- anas ko. Hindi parin ako mapakali dahil nagaalala ako.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si doc.

"Congrats! She is 4 weeks pregnant"- ani doc. Para akong na statwa sa kinatatayuan ko kaya ng mahimasmasan ako ay nagtatatalon ako sa tuwa.

"Yes! Magiging daddy na ako!"- ani ko.

"Pwede niyo na siyang puntahan sa loob"- ani doc at umalis na.

Dali dali akong pumasok sa loob at nakita ko si colleen na gising na.

"Darling, you are 4 weeks pregnant"- ani ko at nakita ko sa mata niya ang pag kagulat. Ngumiti rin ito at yumakap saakin.

Veronica POV

Lumabas muna ako ng ospital dahil may tumawag saakin.

Ng matapos akong makipag usap ay inend call ko na at inilagay na ang cellphone ko sa bag. Bago ako bumalik ay may nakita akong isang pamilyar na babae.

"SAMANTHA!?"- Bigkas ko.

Colleen POV

Napaka saya ng araw na to para saakin dahil sa wakas ay magiging mommy na ako at si zack naman ay magiging daddy na, simula ng malaman namin na buntis ako ay mas lalong naging protective si zack.

"Darling, anong gusto mong kainin? Ako ba?"- nakangising sambit niya.

Langya talaga ang lalaking to! Ang sarap balatan ng buhay!

Binato ko siya ng unan at tinawanan lang ako nito at tumabi saakin.

"I love you"- aniya.

"I love you too"- usal ko

WAKAS!!


Tapos na ang gangster meets ms maldita!! Mamimiss ko sila!!! By the way let me know kung gusto niyo pa ng book 2 ng gangster meets ms maldita! O kaya naman kung gusto niyong gumawa ako ng story ng mga friends nila zack at colleen just let me know guys! Just comment!

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon