Chapter 28: THE TRUTH

1.5K 76 0
                                    

Colleen POV

"Colleen hindi ka ba papasok?"- ani kelly.

"Mag kita nalang tayo mamaya sa cafeteria sa oras ng break time"- ani ko.

Tumango tango lang silang dalawa at lumabas na ng dorm.

Naka hilata parin ako sa higaan.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang pangalang angelou.

Angelou...

Angelou...

Angelou...

"That name is familiar, at sa pagkakaalam ko ay... Nabanggit na ni drek ang pangalan na iyon."- mahina kong sambit.

"Tama!"- anas ko.

Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo.

Sampung minuto lang ang itinagal ko sa pag liligo at nag bihis na ako at onting ayos sa sarili ko.

Pag labas ko ng bulding D ay agad kong hinanap si chiara at ng matanaw ko siya ay agad ko siyang pinuntahan.

"Chiara"- tawag ko sa pangalan niya, agad naman niya akong nilingon at nginitian.

"Naalala ko na kung sino si angelou"- sambit ko sakanya.

"Alam ko na rin, Angelou Raeken.. ang buong pangalan niya base sa pagkakaalam ko ay may koneksyon siya sa mga mafia's"- ani chiara.

"Hindi pa natin siya nakikita kaya malamang ay isa rin siya sa mga estudyante dito"- ani pa niya.

"Anong ibig mong sabihin?"- ani ko.

"Tiyak akong nakasalamuha na natin siya hindi lang natin nalalaman dahil hindi natin siya gaanong kilala"- sabi niya.

"Samahan mo ako colleen"- sambit niya.

Agad naman akong tumango sakanya at sinundan siya.

Pumunta kami sa may ssg office.

"Anong gagawin natin dito?"- anas ko.

"Alasdose na ng tanghali at malamang ay walang tao ngayon dito"- ani chiara.

"Mag bantay ka lang diyan colleen"- ani niya na tinanguan ko lang.

Maya maya pa ay lumabas na siya na may hawak hawak na mga papeles.

"Ano naman yang hawak mo?"- tanong ko.

"Listahan ng mga estudyante"- sagot niya.

Mukhang nagegets ko na kung bakit niya kinuha ang mga papers.

Pumunta kami sa dorm niya at wala ang mga dorm mates niya kaya kaming dalawa lang doon.

_____

Nakalimutan kong pumunta ng cafeteria kaninang break time dahil may inasikaso kami ni chiara.

Alaskwatro na ng hapon at pumunta ako ng cafeteria upang doon tumambay saglit.

"Colleen!"- rinig kong tawag saakin kaya nilingon ko iyon.

Lumapit saakin si jeffrey at niyakap ako ngunit hindi ako tumugon sa mga yakap niya.

"How are you? Okay ka lang ba?"- alalang tanong niya.

Pero hindi ako kumibo bagkus ay hinayaan ko lang siyang mag salita.

"Hey, answer me"- sagot niya.

"Jeff... Why didn't you tell me the truth? Bakit ka naglihim saakin?"- ani ko.

"What do you mean?"- takang tanong niya.

"I already know it, alam kong isa kang myembro ng gang.. don't tell me that you are one of the mafia members too??"- ani ko.

Naramdaman ko ang pagkalas niya mula sa pagkakayakap saakin at diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko.

"I... I'm sorry, please forgive me colleen.. alam kong ayaw mo sa mga ganito pero i did this para maprotektahan ka"- sambit niya.

"You don't have to protect me... I don't need you'r protection jeff i can protect my self"- ani ko.

"Tell me, nakapatay ka na ba?"- tanong ko sakanya.

At tinitigan niya lamang ako at ilang segundo pa ay tango lang ang tanging naisagot niya.

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sakanya at umalis na ako sa cafeteria at iniwan ko lang siyang nakatayo doon.

Habang naglalakad lakad ako ay nakita ko sila kelly at faith na papunta sa direksyon ko at tanging ngiti lang ang sinalubong ko sakanila.

"Colleen lumabas ka ba kaninang madaling araw?"- ani kelly.

What!?paano nila nalaman? Gising pa ba sila ng oras na yun?!

"A-ahh oo"- anas ko, binatukan naman ako ni faith dahil para mapa aray ako dahil grabe ang batok niya ah!

"Paano kung napahamak ka!?"- sigaw niya.

"Kailangan talagang sumigaw?"- ani ko.

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at lumabas ka ng oras na yun? Mabuti nalang at hindi ka napahamak"- alalang sabi ni kelly.

Hindi ko alam ang isasagot ko at hindi nila pwedeng malaman na napa away ako kaya kailangan kong mag isip ng dahilan.

"Kasi... Tinignan ko kung bukas pa ang cafeteria dahil nagugutom ako"- ani ko.

"Sa bagay wala tayong stuck ng pagkain sa dorm"- ani faith.

Nakahinga naman ako mg maluwag dahil naniwala naman sila sa dahilan ko.

Habang naglalakad kami ay nabaling ang tingin ko sa babaeng may benda ang binti at may hawak na saklay at kung hindi ako nagkakamali ay si alice ang nakikita ko ngayon.

"Is that alice? Look at her may benda siya sa binti niya, sino kaya ang may gawa sakanya?"- ani kelly.

Kung alam niyo lang na ako ang may gawa niyan sakanya, napangisi nalang ako ng makita kong nilapitan siya ni zack at tinulungan ito.

Tss kalma self! Nakakaramdam ako ng inis at kirot sa dibdib dahil sa nakikita ko.

Nako! Kung mas masama lang talaga ako kay yass e! Inuna ko ng tapusin yang buhay mo alice!

"Colleen? Hello? Are you okay?"- ani faith.

"H-huh? Ayus lang ako, wag niyo akong intindihin!"- anas ko at inalis ko na ang tingin ko sa love birds!

"Sila na kaya ni alice?"- biglang sambit ni kelly. Marahil nakita niyang tinutulungan ni zack si alice.

"Grabe! Tinutulungan lang sila na agad!?" Ani faith, tama si faith! Hindi purkit tinutulungan lang ay sila na agad! Tsss! Binigyan agad ng malisya e!

"Sorry naman!"- ani kelly na nag peace sign pa.

Nakalimutan na nga ba talaga ako ni zack?

To be continued...

Hi guys! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito!wag niyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!

ENJOY READING!SARANGHAE!💞

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon