Chapter 31: YOU'LL BE SAFE

1.6K 89 1
                                    

Colleen POV

Alastres na ng umaga at kasama ko sila kelly at chiara, nakaramdam ako ng takot dahil iba ang kinikilos ngayon ni chiara.

"Colleen, may kailangan kang malaman tungkol sa pagkatao ko"- ani chiara.

Kumunot noo ako bago sagutim ang sinabi niya "ano?"- tipid kong sambit.

"I'm one of the mafia members"- sambit niya.

Bahagya akong napaatras dahil sa sinabi niya.

"H-how?"- ani ko.

"Matagal na akong myembro ng mafia, napalapit ako sayo para protektahan ka colleen"- anas niya.

"Hindi mo kaila-"-  hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng magsalita Siya.

"Colleen malapit na, kahit anong mangyare wag kang magpapatalo sa kalaban"- anas niya.

"A-anong ibig mong sabihin chiara"- takang tanong ko sakanya.

"Ito na ang huling pagkikita natin colleen"- nakangiting sambit niya at tinalikuran kaming dalawa ni kelly.

Nagulat ako ng bigla siyang tumalon mula dito sa 8th floor ng building D.

"Chiara!"- sigaw namin ni kelly.

Tumulo ang luha ko at naramdaman ko ang yakap ni kelly kasabay non ang pag tulo ng luha niya.

"Colleen!?"- rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

Humarap ako sakanya at naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap.

"What happened? Bakit ka umiiyak?"- ani Jeffrey.

Hindi ko magawang magsalita bagkus ay patuloy ang pag tulo ng luha ko.

______

Nagising ako mula sa malambot kong kama, pag mulat ko ay wala na si faith at kelly at alasdiyes na ng umaga.

kahit anong mangyare wag kang magpapatalo sa kalaban

kahit anong mangyare wag kang magpapatalo sa kalaban

kahit anong mangyare wag kang magpapatalo sa kalaban

Paulit ulit na pumapasok saaking isipan ang mga katagang sinabi ni chiara saakin kanina.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko inaakalang magagawa niya ang bagay na iyon at iyon na ang huling makikita ko siya, ang bigat sa pakiramdam ng mawalan ka ng  isang matalik na kaibigan.

Bagsak ang balikat kong nagtungo sa banyo upang maligo.

Maya maya pa ay lumabas na ako ng banyo at agad na nag ayos ng sarili. Kinuha ko ang gamit ko at lumabas na ng dorm, habang naglalakad lakad ako ay napahinto ako ng hilain ni yass ang braso ko.

"Kamusta?, Sa tingin mo ano ang mas masakit? Mamatayan ng kaibigan o ang makalimutan ka ng lalaking mahal mo?"- anas niya at pilyang ngumiti.

Hindi ako kumibo bagkus ay napahalukipkip ako.

"Sino kaya sa mga kaibigan mo ang isusunod ko?"-  sabi pa nito.

Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya dahil sa sinabi niya.

Ngumisi lang ito.

"Wag mong idamay ang kaibigan ko!"- giit kong sambit.

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon