Chapter 23: YOU ARE FREE TO DO WHATEVER YOU WANTS!

1.6K 79 2
                                    

Colleen POV

Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pananakit ng katawan ko, kasama ko ngayon si kelly at faith patin na rin si clark.

Simula ng maghariharian dito sa university si yass ay maraming nagbago... Maski ang mga estudyante dito ay unti unti ng nagbabago,makikita mo sa mata nila ang takot.

Kung dati ay may ngiti pa sakanilang mga labi ngayon ay wala na,mabilis na naglaho ang mga iyon at mas dumarami din ang mga estudyanteng nangbubully.

"Makukulong nalang ba tayo dito?kasama ang demonyong si yass?"- saad ni kelly.

"Hindi na ito ang montessori university na hinahangaan at pinagmamalaki ng marami,dahil unti unti na itong nagiging impyerno"- malungkot na sambit ni faith.

"Wala tayong magagawa,marami ang tauhan ni yass kayang kaya niya tayong patayin sa oras na kinalaban natin siya"- sagot naman ni clark.

"Hindi naman siguro kayo mag susunod sunuran sa babaeng yun no?"- ani ko.

Nagtinginan naman sila bago umiling.

"Yun naman pala e,lalaban tayo hangga't kaya natin"- ani ko.

"Ano makikipag patayan tayo?"- ani faith.

"Kung yun lang ang tanging paraan"- seryosong sambit ko.

"What?!are you serious?,paano kung tayo rin pala ang matatalo sa huli?paano kung mapatay niya tayo?"- ani kelly.

"Di bale ng mamatay atleast lumaban"- tipid kong sagot,kita ko ang pag iling iling ni kelly sa sinabi ko.

______

Habang naglalakad kami sa hallway upang bumalik na sa dorm ay may nakita kaming babae na may kasama pang dalawang babae marahil ay kaibigan niya ang dalawang iyon pinatid nito ang babaeng naglalakad,agad namang tumayo ang babae at sinampal ito.

"How dare you!loser!"- aniya.

Tumawa tawa pa ito bago sumagot "dapat lang naman sayo yan dahil matagal na kitang gustong pahirapan!"- ani ng babae atsaka binuhos ang hawak hawak niyang juice. Ito ang ayoko,lumalabas na ang tunay nilang ugali kung dati ay hindi nila magawang manakit o mambully ay ngayon kayang kaya na nila.

Hindi na namin iyon pinahtuunan ng pansin kaya sa iba nalang kami dumaan,habang naglalakad kami sa hallway ng building B ay may isang lalaki ang dali daling tumatakbo papunta sa direksyon namin at ang tatlong lalaking tumatakbo rin ang nakasunod sakanya ang isang nasa gitna nito ay may hawak na itak.

Napanganga nalang ako dahil hindi naman siguro yun ang gagawin nila...

"Gosh!ano naba ang nangyayare dito?"- takang sambit ni faith.

~Dorm~

"Hindi na ako mag tataka kung bakit may namatay dito sa school,dahil sa sitwasyon ngayon... Malabo na ang mabuhay pa tayo ng matagal"- ani kelly.

"Tama ka,ibang iba na ang montesorri.. nababalutan na ito ng kasamaan ni yass"- ani faith.

"Hanggang kailan tayo magtatagal?"- malungkot na sambit ni kelly. Ngayon ko lang siya nakitang seryosong seryoso,maraming estudyante ang naaapektuhan dahil sa mga nangyayare.

Ilang segundo pa ay biglang may bumato sa bitana namin pero buti nalang ay hindi ito nabasag,kaya dali dali naming sinilip kung ano at sino ang bumato non.

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon