Chapter 36: SWEET MOMENTS

1.8K 83 2
                                    

Colleen POV

Tatlong araw na ang nakalilipas at pansamantalang dito muna ako sa mansion nila zack.

Si zack ay kanina pang alasotso umalis, dahil kailangan siya ng daddy niya.

At ako naman ay papunta ng ospital upang dalawin si angelou, alam na rin nila mommy at daddy ang nangyare pati na rin ang tungkol kay angelou kaya bukas ang flight nila papunta dito.

Nagpahatid nalang ako sa driver nila zack. Ng makarating kami sa ospital ay agad akong pumunta sa room 107, ng makapunta ako doon ay kita ko mula sa loob ang mahimbing na natutulog na si angelou.

Pumasok ako at inilagay doon ang binili kong mga prutas. Biglang nag ring ang phone ko kaya lumabas muna ako saglit upang sagutin ang tawag.

*Hello?*- anas ko.

*Colleen, asan ka?*- rinig kong boses ni faith sa kabilang linya.

*Andito ako sa ospital*- ani ko.

*Huh!? Bakit?*- aniya.

*Dinalaw ko si angelou"- anas ko.

*What!? Bakit? Nakaligtas pa pala iyan!*- ani kelly.

*Sinadya ko yun!*- anas ko

*Hayys! Pupuntahan ka namin diyan!*- ani kelly.

*Osige!*- usal ko. At inend call ko na.

Pumasok ulit ako sa loob at  nabungaran kong gising na siya.

"Sana tinuluyan mo na ang buhay ko"- aniya.

"H-hindi ko k-kaya"- anas ko.

"Ilang taon akong nangulila sainyo!"- aniya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung kapatid ko nga ba siya, pero kung kapatid ko nga siya... Paano?

"Hindi niyo man lang ako nagawang hanapin! Umasa akong tatanggapin niyo ulit ako! Umasa akong pag nagpakilala ako ay maniniwala kayo! Pero pinag tabuyan niyo ako! Naniwala kayong patay na ako!"- galit niyang sabi at mayroong luhang pumatak mula sa mga mata niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko alam na kapatid ko siya... Hindi sinabi nila mommy at daddy.

"Lumaki ka sa london at dito ka nag aral ng high school, marahil hindi nasabi sayo ni dad na may kapatid ka, bata ka pa nung nangyare iyon, iniwan ako nila dad dito ng hindi man lang nila ako pinaniwalaan!"- aniya.

Kung ganon siya pala ang babaeng nasa album ang akala ko ay pinsan lang namin iyon dahil ang sabi saakin ni mommy at daddy ay pinsan namin iyon na namatay na..

"I-im sorry..."- yun na lamang ang tanging naisambit ko. Bahagya akong lumapit sakanya, hindi ko magawang tignan siya ng diretso at tanging nakayuko lang ako.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at nginitian niya ako.

______

Kelly POV

Nakakainis! Eto kasing si drek walang ginawa kundi ang sungitan ako! Hindi ba pwedeng maging sweet naman siya kahit isang araw lang?!

Bumangon ako sa higaan ko at nagtungo sa banyo upang maligo. Sampung minuto lang ako naligo at nag bihis na ako pagkatapos kong mag bihis ay nag ayos ako ng sarili at lumabas na ng kwarto.

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon