Colleen POV
Kaming tatlo lang nila chiara at kelly ang magkasama ngayon dahil dalawang araw na naming hindi nakakasama si faith dahil palagi silang magkasama ni clark.
"Nakatanggap ako ng letter kanina at hindi ko pa nabubuksan"- panimula ni chiara. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, anong letter kaya iyon?
"Dala mo ba?"- ani kelly.
Tumango lang ito at may kinuha sa bag niya, maliit at kulay asul ang papel nito.
Binuksan ko ito upang mabasa ko ang nilalaman ng papel na ito.
θα σε σκοτώσω
-Είσαι Εφιάλτης
Napakunot noo nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang basa kaya ibinalik ko iyon kay chiara.
"Ano ang basa diyan?"- tanong ko.
"Hindi ko rin alam dahil hindi naman ito pamilyar saakin"- ani chiara.
_____
Alasingko na ng hapon at nandito na kaming dalawa ni kelly sa dorm at si faith ay hanggang ngayon wala parin.
"Anong oras na wala parin si faith!"- bulyaw ni kelly.
"Kumalma ka nga! Kasama niya si clark sigurado akong hindi niya pababayaan si faith"- ani ko.
"Tama ka naman! Pero my ghadd teh! Nagaalala ako!"- ani kelly.
Bago pa ako muling magsalita ay biglang may kumatok sa labas ng pinto ng dorm.
Binuksan ko ang pinto at iniluwal non si faith.
"Mabuti naman at nakabalik kana!"- ani kelly.
"Bakit? May nangyare ba?"- ani faith.
"Wala naman, anong oras na kasi e maya maya ay bloody time na! Alam mo naman na maglalabasan na ang mga demonyo mamaya!"- anas ko.
Sumapit naman ang alasyete ng gabi at kumakain na kaming tatlo ng dinner.
Ng matapos akong kumain ay iniligpit ko ang pinag kainan ko at saka nag tungo sa banyo upang mag half bath.
_____
Malalim na ang gabi at nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto, sinipat ko muna ang orasan bago tumayo sa higaan.
Mag aalasdos na ng madaling araw, pinagbuksan ko ng pinto ang kumakatok at tumampad saakin si chiara.
"Anong oras na chiara, bakit lumabas ka pa ng ganitong oras?"- anas ko.
"Hayy nako! Baka nakakalimutan niyong kailangan niyo akong samahan!"- ani chiara.
I forgot! Sasamahan nga pala namin si chiara. Pinapasok ko muna siya sa loob ng dorm habang ang dalawa ay mahimbing na natutulog.
Ginising ko si kelly at mabuti naman ay madali lang siyang gisingin hindi katulad ko na mag rerklamo pa.
"Anong meron?,bakit ang aga niyo?"- anas ni kelly na animoy inaantok pa.
"Diba sasamahan natin si chiara!?"- mahina kong sambit upang hindi magising si faith.
Napabalikwas naman siya ng bangon at agad na kinuha ang backpack niya.
Dala dala ko rin ang backpack ko at sa loob non ay may mga gamit na for emergency.
Lumabas kami ng dorm at nilabas namin ang sari sarili naming flashlight.
"Anong ginagawa natin dito sa library?"- ani kelly.
"Shhh"- sambit ni chiara.
Kaya nanahimik nalang si kelly, madilim na ang library kaya tanging mga hakbang lang namin ang maririnig.
Mula sa dulo ng library pumasok kami sa may pinto doon na kung titignan mo ay parang isang dingding lang.
Pag pasok namim doon ay tanging kandila lamang ang nagpapaliwanag sa silid na ito at maraming libro.
"Sir Greg?"- tawag ni chiara.
Nagulat ako ng biglang may mag salita mula sa likuran namin at nilingon namin iyon, ngayon ko lang nakita siya dito maski ang secret door dito sa library ay ngayon ko lang din nalaman.
Base sa unang kita ko sakanya ay nasa 40's na ang edad niya.
"Chiara? Anong dahilan at naparito ka? Hindi ba't delikado na ang lumabas ng ganitong oras?"- anas niya.
"Pasensya na po, nakatanggap po kasi ako ng sulat at hindi namin alam ang pagkabasa dito"- ani chiara at iniabot dito ang kulay asul na papel.
"Nasa panganib kayo... Chiara malapit na, ingatan niyo ang mga sarili ninyo, maging mapag matiyag kayo"- ani niya.
Pumasok sila chiara sa isang silid at naiwan kaming dalawa ni kelly,habang hinihintay namin sila ay inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid na ito.
Kung titignan mo ay maraming libro dito, naagaw ang atensyon ko ng isang libro sa may lamesa malapit saakin.
Mafia's
Binuklat ko iyon at tumampad saakin ang iba't ibang larawan.
Napakunot noo ako ng makita ko si sir greg na nasa larawan. Base sa pagkakaalam ko ay ang mga taong nasa larawan ay mga myembro ng mafia at isa na doon si sir greg.
Binalik ko sa pagkakaayos iyon ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at iniluwal non si chiara at sir greg.
"Salamat po sir greg"- ani chiara.
At lumabas na kami ng library.
"Babalik na ba tayo?"- anas ko.
"May isang bagay pa tayong dapat alamin"- ani niya.
Sinipat ko ang wrist watch ko at alastres na ng madaling araw. Pumunta kami sa likod ng university kung saan nandoon ang soccer field at malapit sa park.
Nagtungo kami sa park, madilim at mapuno ang lugar na ito sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng liwanag.
"Patayin niyo ang ilaw ng flashlight"- ani chiara na siyang ginawa naman namin.
Nagtago kami sa malaking puno.
"Ang babaeng naka pula ay si angelou at ang mga nakapaligid sakanya ay ang mga alagad niya"- mahinang sambit ni chiara.
"Magkakampi ba sila ni yass?"- ani kelly.
Tumango tango lang si chiara kay kelly.
Chiara POV
May ibinigay saakin si master greg na isang katana, si master greg ay kabilang sa mga mafia maski ako ay kabilang sa mafia, hindi ito pwedeng malaman ng kung sino maski si colleen o si faith kahit si kelly dahil tiyak akong masisira ang plano.
Ang misyon ko sa ngayon ay protektahan si colleen dahil hindi siya pwedeng masaktan dahil kakailanganin namin ang tulong niya ngunit hindi pa sa ngayon, nararapat kaming maghanda at mag sanay upang mas maging handa kami sa oras na dumating ang delubyo.
To be continued...
Hi everyone! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito! Wag niyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo.
Also don't forget to read and support gang war!!
Anyway! Malapit na tayo mag 1k!!waaaaahhh!! Just keep on reading and supporting guys!!! Thank you so much!!
ENJOY READING!SARANGHAE!💕
BINABASA MO ANG
Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|
Teen FictionDEATH IS EVERYWHERE!never trust anyone...do not tell them a secret because if you do,you will die! What if kung nahulog ka sa isang anak ng mafia?what will you do? Are you willing to sacrifice your life to the person you love? "I won't let you go,tr...