Chapter 32: DANGER

1.6K 85 4
                                    

Colleen POV

Nagising ako na katabi ko nalang si zack, bahagya akong napaatras at tinitigan ang mahimbing na natutulog na si zack.

Mukha siyang anghel pag natutulog dahil sa maamo niyang mukha pero pag gising siya ay daig niya pa ang ugaling demonyo... I swear marami ng napatay ang lalaking ito.

Bigla akong nagulat ng bigla siyang magsalita.

"Do i look handsome?"- anas niya, jeez akala ko pa naman tulog na tulog ang kumag na to!

"Yuck!"- bulong ko. Nakita ko ang paniningkit ng mata niya sign iyon na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, nag peace sign lang ako sakanya at tumayo mula sa higaan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok ko at naglakad palapit sa pinto.

"Where are you going?"- kunot noong tanong niya.

Tinignan ko siya at bigla akong napatakip ng mata dahil wala siyang suot na damit pang itaas.

"Babalik na ako sa dorm"- anas ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa mata ko. Naramdaman ko na hinapit niya ang bewang ko papalapit sakanya.

"Alam mo ba ang nangyare kagabi?"- tanong niya.

What the!? Wag niyang sabihing may nangyareng kung ano kagabi!?

"A-anong nangyare?"- takang tanong ko at tiningala ko siya at pilyong ngumiti.

"You already gave it!"- ani niya at pilyong ngumiti.

"ZACK ALISTER PERKINS!!"- Inis kong sigaw, pero hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero ganun na lamang ang reaksyon ko.

Nag peace sign lang siya at binuksan ng maluwag ang pinto.

"See you at midnight!"- he said and he winks at me.

Lumabas na ako at nag tungo sa dorm, pag pasok ko sa dorm ay nandoon si kelly at faith.

"Colleen?!saan ka nanggaling?"- ani faith.

"Somewhere, where you can't find"- anas ko at ngumiti.

Kumunot naman ang noo nilang dalawa sa sinabi ko marahil hindi nila naintindihan ang sinabi ko.

"Wag niyo ng alamin"- sambit ko at dumiretso sa banyo upang maligo.

______

Nagtungo kaming tatlo sa cafeteria at mukhang may LQ si clark at faith.

"Bakit ang lungkot mo kelly?"- ani faith.

"Ang bilis lumipas ng oras, hindi lang man natin siya nakasama ng mas matagal"- malungkot na sambit ni kelly alam kong si chiara ang tinutukoy niya, nakakalungkot man isipin na nawalan kami ng isang kaibigan...

Bahid sa mukha ni kelly ang kalungkutan dahil ilang araw palang ang nakalilipas ng mawala na si chiara.

Sinubukan kong makita ang bangkay niya sa huling pagkakataon ngunit hindi ako pinahintulutan dahil ang mga alagad ni yass ang namamahala sa katawan ni chiara, batid kong may dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon pero maraming tanong ang mga nasa isip ko na hindi pa nasasagot... Isa na doon ang sinasabi nilang "malapit na " hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin...

~~~~

Nagpaiwan muna ako dito sa cafeteria at sila faith at kelly ay nauna ng pumasoksa mga klase nila, gusto kong makahanap ng sagot sa mga bumabagabag sa isip ko.

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon