Chapter 21 : TRUE HEARTS DAY

1.9K 90 1
                                    

Colleen POV

Alasingko na ng umaga at papunta na kami sa first subject namin nila kelly at faith dahil maaga ang klase namin ngayon at alauna naman ng hapon ang tapos ng klase dahil alastres ng hapon maguumpisa ang party...

Medyo may dilim pa sa daan at iilan lang ang mga eatudyanteng nandidito. Naglalakad kami nila kelly sa may hallway at mukang antok na antok pa ang itsura nilang dalawa haha!

Alasdose na kasi natulog ang mga lokring tapos gigising ng alaskwatro!

"Bumalik nalang kaya tayo sa dorm?at matulog?"- anas ni kelly habang pahikab hikab pa siya.

"May exam tayo ngayon! Atsaka sayang naman ang pag rereview ko"- ani ko.

Ng makarating kami sa klase ay umupo na kami sa bandang likod, iilan palang kaming estudyante dito at nabaling ang tingin ko kay kelly na nakapatong ang ulo sa lamesa at natutulog.

Tsss...antok na antok talaga siya.

Kinuha ko ng cellphone ko sa bag at palihim ko siyang kinuhaan ng litrato na natutulog hahahah!

______

Andito na kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break na.

Nag tubig lang ako habang si faith naman ay juice at tinapay si kelly naman ay nagkakape hahah!

"Anong susuotin niyo mamaya?"- ani faith.

"Kahit ano"- sagot ko.

"Yung maganda yung pag tumingin saakin si drek ay maaattract siya"- ani kelly. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi matawa.

"Anong nakakatawa?"- kunot noong tanong ni kelly.

"Te! Impossible yang iniisip mo!"- natatawa kong sambit.

"Letche! Wag kang panira ah!porkit may zack ka!"- anas nito. Hindi ko siya pinansin bagkus ay tawa lng ako ng tawa sakanya. Binatukan niya naman ako dahilan para huminto ako sa pagtawa.

"Ang sakit non ah!"- irita kong sabi.

"Hay nako!para kayong aso't pusa! tumigil na kayo!"- saway samin ni faith.

Alauna na at pabalik na kami ng dorm upang mag ayos.

Agad akong nagtungo sa banyo upang mag halfbath at ng matapos ako ay nag suot ako ng bathrobe at saka lumabas ng banyo.

Itinli ko ang buhok ko.nakatirintas ito habang ang natitira ay kinulot ko.

Ng matapos ako sa pagmamake up ay nag make up na ako light make up lang ang nilagay ko..

"Faith!bakit naka black ka?"- takang tanong ni kelly.

"Maganda naman ah?"- ani faith.

"Valentines ngayon ha! Hindi ka naman siguro aattend ng patay!"- ani kelly.

"Tss... Okay na to!"- inis na sambit ni faith.

"Hindi yan okay shunga! Magpalit ka nga!"- ani kelly. Gusto kong matawa sakanilang dalawa... Ang bitter naman kasi neto ni faith.

Kumuha ng dress si kelly at inabot ito kay faith, maganda ang pagkaka disenyo ng dress na ito...

Suot suot ko ang dress na kulay pula na off shoulder ito.

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon