Kelly POV
"Hija, hindi ka pwedeng umalis"- ani manang Lolita.
"Bakit po?"- usal ko.
"Iyon ang pinaguutos ni drek, hindi ka pwedeng umalis ng hindi siya kasama"- anas niya.
Ganun ba yun?tss... Kailangan kong bumalik ng university!
"Kailangan ko pong bumalik ng university! Pakisabi nalang sakanya!"- usal ko at tumakbo palapit sa pinto, ngunit bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay agad itong bumukas at iniluwal noon si drek.
Naniningkit na ang mga mata niya ng tignan ko siya "bakit ba ang kulit mo?"- inis niyang sabi.
"Alam mong delikado ang bumalik ng university! Kaya dito ka muna. May mga tauhan si yass na nagmamatiyag sa bawat galaw ng mafia at ng black devil's kaya hindi pwedeng malaman nila na nakalabas ka ng university"- anas nito. Bagsak ang balikat kong bumalik ng kwarto at pabagsak akong humiga sa kama ko.
Anong kayang nangyare kay faith? Kay colleen?. Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagkatok mula sa labas ng pintuan kaya agad ko iyong binuksan at iniluwal non si manang lolita.
"Hija, handa na ang tanghalian"- nakangiting sabi nito.
"Sige po manang susunod nalang po ako"- anas ko, bumaba na si manang lolita at ako naman ay pumasok sa loob ng cuarto at saglit na inayos ang sarili ko.
Nakahain na sa hapagkainan ang mga pagkain kaya umupo na ako sa harap ni drek, seryoso lamang ito at wala kang mababakas na kahit anong ekespresyon sa mukha nito.
Ganito ba talaga siya kaseryoso? Sa bagay hindi ito ang tamang oras para magpaka saya...
Nabalot ng katahimikan ang paligid dahil walang gustong mag bukas ng topic sa aming dalawa ang awkward tuloy.
Ng matapos kaming kumain ay naiwan ako sa kusina upang tulungan si manang lolita sa pag liligpit ng pinagkainan namin.
"Hija, ako na ang bahala dito"- anas niya.
"Tutulungan ko na po kayo tutal sanay naman na po ako sa mga gawaing bahay"- ani ko, napangiti naman saakin si manang lolita.
Habang tinutulungan ko si manang lita ay nagkukwentuhan kami tungkol sa mga karanasan niya sa buhay, 3 years ago bago siya lumuwas ng maynila upang mag trabaho dito bilang isang katulong, sa probinsya kasi nanirahan si manang lita at ang asawa nito ay patay na..
"E wala po ba kayong anak?"- ani ko.
Mapait itong ngumiti saakin at halata sa mga mata nito ang lungkot ng itanong ko iyon.
"Bago ako mag trabaho dito ay mayroon akong kinupkop, isang araw ay nakita ko ang katawan ng isang babae ma walang malay sa tabing dagat, tinulungan ko siya at pinatira sa tinutuluyan ko. Itinuri ko siyang parang isang tunay na anak pero isang taon na ang nakalipas ng magising nalang ako na wala na siya maski sulat man lang ay wala itong iniwan."- malungkot niyang sambit pero kahit ganon ay pinilit niyang ngumiti kahit sa likod ng mga ngiti niya au maayroong lungkot na nagkukubli.
"Alam mo ang masakit para saakin?, Na isang araw ay magigising kana lang na wala na ang taong pinahahalagahan mo.. hanggang ngayon ay labis labis ang pangungulila ko sa batang iyon"- malungkot na saad niya.
BINABASA MO ANG
Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|
Teen FictionDEATH IS EVERYWHERE!never trust anyone...do not tell them a secret because if you do,you will die! What if kung nahulog ka sa isang anak ng mafia?what will you do? Are you willing to sacrifice your life to the person you love? "I won't let you go,tr...