Chapter 37: SPECIAL NIGHT

1.7K 86 2
                                    

Colleen POV

Ilang buwan na ang nakalilipas ng mangyare ang delubyo na naganap mismo sa montessori university, hanggang ngayon ay sariwa parin sa isipan ko ang bawat pangyayare, may mga taong namatay may mga taong inakala mong patay na pero biglang lumitaw at buhay pa pala sila...

Maayos na ang lahat pati ang pamilya namin pati si ate angelou mas matanda siya sa amin ni ate Cheyenne.

Nalaman kong hindi pala totoong anak nila mommy at daddy si ate angelou pero tinanggap parin nila si ate..

At sa hindi inaasahang pangyayare ang kasambahay ni drek na si manang lolita ang kumupkop kay ate noong panahong nawala siya, tinurig nila mommy na patay na siya. Patay na ang totoong magulang ni ate angelou at tanging mga negosyo nalang ang pinaiwan kay ate, dahil kinuwento na rin ni daddy saamin na isang matalik na kaibigan niya ang tunay na magulang ni ate angelou kaya ng mamatay ito ay kay daddy pinaubaya si ate angelou, pero bilang isang magulang ay mukhang nagkulang sila kay ate kaya ngayon ay bumabawi sila. Alam na rin nila mommy, daddy at nila ate ang tungkol sa relasyon namin ni zack, nung una ay tumututol si dad pero hindi nag tagal ay napapayag rin siya.

Kasama ko ngayon si chiara,kelly at faith, grabe namiss ko ang tatlong to! Binisita kasi nila ako dito sa mansyon nila zack, tutal si zack ay medyo busy dahil sa pagiging mafia lord niya.

"Kamusta na ang status niyo ni drek?"- ani chiara kay kelly. Sumimangot lang ito.

"Hindi mo parin ba napapasagot?"- ani ko.

"Ayoko na! Mukhang ayaw niya naman e? Mas mabuting wag na akong mag habol dahil ako lang rin naman ang magmumukang tanga sa huli"- ani kelly, hayys hindi talaga kami sanay na malungkot si kelly dahil ang kelly na kilala namin ay isang masiyahin at palangiti.

"May naisip ako!"- ani chiara at may binulong siya saamin, sa una ay hindi sumangayon si faith pero nakumbinsi naman namin siya.

"Ano sa tingin niyo?"- ani chiara.

"Mukang masaya naman ang ideya mo"- anas ko, maya maya pa ay dumating na si zack kasama ang isang lalake.

Tumayo ako at sinalubong siya ng isang yakap.

"Darling meet kris, dad's secret agent"- ani zack, nakipag kamay ako kay agent kris.

Pagkatapos ng paguusap namin kay agent kris ay umalis na ito.

Umalis na rin sila faith kelly at chiara.

_______

College student na kami at pareparehas lang ang course na kinuha namin dahil pare parehas kaming may patatakbuhin na kumpanya.

"Mauna na ako sainyo!"- ani chiara, sinundo kasi siya ni kyle.

"Parang may something sakanila no?"- ani faith.

"Oo nga e,pansin ko rin yun"- ani kelly.

"Tss! May something na talaga sila noon pa!"- anas ko.

"Paano mo naman nalaman?!"- ani kelly.

"Duhh! Obvious kaya! Na may feelings sila para sa isa't isa!"- ani ko.

"By the way! Mauna na ako sainyo!"- anas ko.

Natanaw ko na mula sa malayo ang kotse ni zack kaya nag lakad ako papunta doon, pupunta pa kasi ako sa coffee shop na pag aari namin.

"Lets go!"- nakangiting sambit ko sakanya.

Ilang oras lang ang ginugol namin sa daan at ng nasa tapat na kami ng coffee shop ay pinagbukas niya ako ng pinto at mag kahawak kamay kaming pumasok doon.

Pag punta namin doon ay nandoon si ate cheyenne kasama si dave.

"Dave?!"- sabay naming sambit ni zack.

"Anong ginagawa niya dito ate?"- ani ko.

"Ahh, napadaan lang siya dito atsaka tinulungan niya ako kaya nilibre ko siya"- aniya.

"Kung ganon mauna na kami, tutal kasama mo naman si dave"- sambit ni zack at hinila na ako palabas.

~~~~~

Pabalik na kami ng mansyon, ng biglang magsalita si zack.

"Kasal na pala ni angelou bukas"- ani zack.

"Oo nga pala!"- ani ko.

"Eh tayo?"- ani zack.

"Anong tayo?"- takang tanong ko.

"Kailan tayo kakasal?"- aniya.

"Gusto mo next week na e"- ani ko at palihim na napangiti.

"Ayoko! Gusto ko ngayon na"- anas nito.

"Aba! Balak mo atang unahan si ate!"- ani ko.

"Ganun na nga"- nakangising sambit niya.

Hindi ko na siya sinagot pa dahil pipilitin niya lang ako, ngunit napansin kong nilagpasan niya ang daan pauwi.

"Saan pa tayo pupunta?"- tanong ko.

"Sa heaven"- aniya.

"Zack!! Tigilan mo yang kapilyuhan mo ah!"- ani ko.

Nag peace sign pa siya habang patawa tawa. Maya maya pa ay nasa tapat na kami ng isang restaurant, pagkapasok namin doon ay agad kaming inasikaso ng waiter.

"This way po ma'am,sir"- ano ng waiter, pumasok kami sa isang silid na pagkakaalm ko ay isang VIP room.

Pag pasok ko doon ay puno ng puso at mga bulaklak. May banda pang kumakanta.

Sinayaw ako ni zack sa gitna na sinabayan pa ng romantic songs.

"I will never give up on you colleen, i don't want to lose you, because if it that happens i might get crazy... You are my queen, my world and my everything... I love you until my last breath"- aniya.

"I love you most zack"- ani ko. Ng matapos ang kanta ay umupo na kami at sinerve na ng isang waiter ang pagkain kasabay non ang pag bigay saakin ni zack ng rosas.

"For you darling"- nakangiting sambit niya, hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin dahil ang zack alister perkins ang isang leader ng gangster at soon to be mafia lord ay may tinatago palang ka sweetan..

Ng matapos kaming kumain ay napag desisyonan na naming umalis.

"Thank you for this very special night zack.. thank you for everything"- ani ko ng nasa loob na kami ng kotse.

Niyakap niya ako at tumugon naman ako sa mga yakap niya ilang minuto rin kami sa ganong posisyon at naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa noo ko.

To be continued...

Haluu!! Dalawang update ngayon hahaha! Susubukan kong ipublish ang chapter 38 ngayon pero kung hindi kaya baka bukas ko pa mapublish pero sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito at wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!!

ENJOY READING!SARANGHAE💞💕

Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon