Sumapit na ang dapit hapon at sapat na ang lakas ko para lumaban, kinuha ko ang katana at inilagay iyon sa likuran ko at baril naman sa tagiliran ko, nag takip ako ng kalahating mukha upang kahit papaano ay hindi ako makilala ng kalaban.
Kinuha ko ang katana na nasa likod ko at agad kong kinalaban ang mga tauhan ni yass. Iniilagan ko ang bawat bala na pinapakawalan nila hanggang nawalan sila ng bala kaya agad kong kinuha ang baril na nasa tagiliran ko at pinatamaan sila sa direktang dibdib.
Lima na ang napatay ko at naramdaman ko ang peresensya ng kalaban mula sa likod ko kaya mabilis akong kumilos bago nito iputok ang baril saakin.
Binaon ko ang katana ko sa direktang dibdib nito at agad na binawi rin at ng matumba ito ay umukit ako ng ekis sa noo nito.
Biglang nag si datingan ang iba pang tauhan ni yass na may hawak hawak na baril, natanaw ko ang black devil's na nakikipag laban at si zack na halatang aliw na aliw sa pakikipag patintero sa kalaban, tss iba talaga ang lalaking to.
Mabilis akong kumilos at kinuha ko ang baril ko at isa isa silang pinaputukan ng baril.
Ng mapatumba ko ang mga kalaban sa loob ng limang minuto ay natanaw ko si angelou na nasa harap ng ni zack.
Biglang nabaling saakin ang tingin ni angelou kaya agad ko itong iniwas.
"Mahusay kang makipag laban lil sis!"- ani angelou.
Napalingon sa direksyon ko si zack at inialis ko ang mask ko at ngumisi lang sakanya, naramdaman ko ang mga titig saakin ni zack.
"Kailan kita naging kapatid?"- nakangising sambit ko.
"Why don't you asked dad ng malaman mo!"- ani nito.
"Kahit malaman ko ang totoo ay hindi ka namin hahayaang maging parte ng pamilya namin!"- anas ko.
"That's it! Kaya dapat tapusin ko na kayong lahat! Pero uunahin muna kita!"- ani nito at itinutok saakin ang baril niya, ngunit bago pa nito maiputok ang baril niya ay tinamaan ko ang kamay nito upang mabitawan niya ang hawak niyang baril at tinamaan ko siya sa magkabilaang binti niya dahilan para bumagsak siya sa simento, bahagya akong lumapit sakanya na nakatutok ang baril ko sakanya.
Pinigilan ako ni zack pero hindi ako nag paawat.
"Ang dami mo kasing satsat e! Yan tuloy naunahan kita!"- anas ko.
Tinamaan ko lang siya sa braso niya at sinugatan ang tiyan nito upang mawalan siya ng malay, hindi ko magawang tapusin siya dahil paano kung kapatid ko nga siya at napatay ko siya... Konsensya ko iyon.
Naramdaman ko ang pag hatak saakin ni zack at nag tago kami sa may malaking puno.
"Ang kulit mo talaga!"- usal nito.
"Sorry, hindi ko kayang maupo lang sa isang tabi habang kayo ay nakikipag laban!"- anas ko.
"Tara na! Tapusin na natin ito, jusg be careful"- ani niya.
Nagpatuloy kami sa pakikipag laban hanggang sa maubos na ang tauhan ni yass.
"Tsk! Masamang damo ka talaga zack! At ikaw naman colleen! Masyado kang pakielamera!"- ani yass na may hawak hawak na baril.
"Akalain mo, mahusay kang makipag laban! At mukhang handa kang patayin ang kapatid mo colleen!"- patawa tawang sambit ni yass.
BINABASA MO ANG
Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|
Teen FictionDEATH IS EVERYWHERE!never trust anyone...do not tell them a secret because if you do,you will die! What if kung nahulog ka sa isang anak ng mafia?what will you do? Are you willing to sacrifice your life to the person you love? "I won't let you go,tr...