Colleen POV
"Colleen bilisan mo na!malelate na tayo sa klase!"- sigaw ni kelly,andito pa kasi kami sa dorm at nagaayos pa ako ng buhok habang silang dalawa ay aborido na kakahintay sakin.
"Eto na po!"- anas ko sabay tayo mula sa pagkakaupo ko atsaka lumabas na kami ng dorm.
Hindi na ito tulad ng dati na kapag oras ng klase ay may mga estudyante paring nasa labas pero ngayon ay wala na dahil laging naglilibot si yass at kapag may nakita itong estudyanteng nasa labas pa ay tinututukan niya ng baril.
"Saan galing yang kwintas mo? Infairness ang ganda"- ani faith.
"Regalo sakin ni zack nung debut ko"- sambit ko pero nakaramdam nanaman ako ng lungkot.
Kung alam ko lang sana na may mangyayaring ganon nung oras na yun ay sana hindi ko hinayaan si zack na mawala sa tabi ko kahit ilang minuto o segundo lang yon.
"Miss santiago,are you listening?"- tanong ng prof,saka ko lang namalayan na nasa klase na pala kami at nakatingin saakin ang mga kaklase ko.
"Y-yes sir"- sambit ko.
"Ok, let's continue our discussion"- ani ng prof
_____
"Uy faith!kanina kapa tahimik diyan"- ani ko.
"Oo nga,may nangyare ba?"- ani naman ni kelly.
"Wala naman.."- tipid niyang sagot.
"Wala daw pero kanina pa walang imik!"- ani Kelly
"Tungkol to sainyong dalawa ni clark no?"- hula ko, hindi ito nag salita bagkus ay tumango lang ito.
"Anyare teh?kayo na ba?"- ani kelly.
"Hindi!"- anas niya.
"Hindi pa pala kayo e!" Ani kelly.
"Diretsuhin mo kasi faith!"- anas ko.
Magsasalita na sana si faith ng biglang dumating si clark.
"Hihiramin ko muna sainyo si faith"- anas niya.
Tumango tango lang kami sakanya at iniwan nanamain silang dalawa kaya dalawa nalang kami ni kelly ang papunta sa cafeteria ngayon.
"Andun sila drek oh!tara makishare tayo sakanila"- ani kelly.
"Tss! Ang daming bakanteng table oh!"- ani ko
"Hay nako!wag ka ngang maarte ha?!"- ani kelly sabay hila saakin pero pinigilan ko siya upang kumuha muna kami ng pagkain pano ba naman kasi itong si kelly masyadong atat kay drek!
_______
Naiwan na akong magisa dahil si kelly ay kasama si drek at si faith naman ay kasama si clark, andito ako ngayon sa garden ng university na tinatawag kong secret garden dahil hindi ito gaanong tinatambayan ng nga students.
"Ang bilis ng panahon, pero hindi madaling kalimutan ka zack. Kung gaano kabilis lumipas ang panahon ganon din kabilis ang paglaho mo"- sambit ko sa kawalan hanggang sa tumulo na ang luha ko
Bigla namang tumabi sa akin si jeffrey at iniabot saakin ang panyong hawak niya,agad ko naman iyong tinanggap at pinunasan ang luha ko.
"Alam mo colleen andyan lang siya"- ani jeffrey.
"Hindi ka niya iniwan."- ani jeffrey. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya dahil naguguluhan ako hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
"Anong ibig mong sabihin?"- tanong ko.
"Wala!, osiya maiwan na kita"- nakangiti niyang sambit atsaka tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad na palayo.
Ako naman ay nagtungo na sa dorm upang makapag pahinga dahil wala akong ganang umattend ng mga klase.
Pero bago ako pumunta ng dorm ay pumunta muna ako sa stock room dahil inutusan ako ni ma'am laura na ilagay ang mga papers sa stock room.
Pag dating ko doon ay pinihit ko ang seradura ng pinto at pumasok sa loob kinapa ko ang switch ng ilaw dahil masyadong madilim sa silid nato,ng makapa ko ang switch ng ilaw ay medyo maalikabok at pundido na ang ilaw.
Habang inaayos ko ang kahon ng mga papeles ay may naramdaman akong likidong pumatak mula sa likod ko kaya tiningala ko kung ano iyon.
Bigla akong napaatras ng makita kong nakabigte patiwarik si ma'am glenda ang prof namin kasabay non ang pagtulo ng dugo niya.
"B-bakit ganito?"- sambit ko.
Lalabas na sana ako kaso hindi ko mabuksan dahil may nag lock saakin kaya sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang nakakarinig saakin kasabay nito ang biglang pag patay ng ilaw mas nanginig ako at kinabahan dahil sa takot.
"Palabasin niyo ako dito!"- sigaw ko.
"Tulong!!"- sigaw ko pa.
Kusa nalang tumulo ang mga luha ko at napasandal ako sa pinto.
Bakit ba nangyayare saakin ito!?
Ilang oras pa ay may narinig akong nagbubukas ng pinto kaya tumayo ako at nabungaran ko si jeffrey agad akong lumapit sakanya at napayakap tumugon naman ito sa mga yakap ko.
"Shh don't cry"- anas niya.
"Jeff s-si ma'am glenda"- sambit ko at garagal na ang boses ko kakaiyak.
"Anong nangyare sakanya?"- tanong niya.
"Nakabigte si ma'am glenda"- ani ko. Agad namang pumasok si jeff sa loob ng stock room at kinuha ang flashlight niya nakita naman niya si ma'am glenda na nakabigte.
"Who did this colleen?"- alalang tanong niya.
"H-hindi ko alam, inutusan akong ilagay dito ang mga papeles at nabungaran kong nakabigte na si ma'am glenda"- ani ko.
_______
Alasyete na ng gabi at andito na ako sa dorm kasama si faith at kelly nalaman narin nila ang ganap kanina kaya labis labis ang pagaalala nilang dalawa.
"Magpahinga kana colleen"- nakangiting sambit ni kelly pero kitang kita ko sakanyang mga mata ang pagaalala.
Tumango lang ako sakanya at pinatay na niya ang ilaw at ako naman ay ipinikit ang mata ko upang makatulog.
{3:40 am}
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong humawak sa ulo ko pero pag tingin ko ay wala naman, kinabahan ako dahil imposible namang magkaroon ng multo dito!
To be continued...
Hi everyone!sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito! Sorry kung walang update kahapon nawalan kasi ako ng time dahil may mga ginawa ako related sa school! Pero sana ay ivote niyo ang chapter na ito kung nagustuhan niyo!
ENJOY READING! SARANGHAE!💕
BINABASA MO ANG
Gangster Meets Ms.Maldita |JINSOO|
Teen FictionDEATH IS EVERYWHERE!never trust anyone...do not tell them a secret because if you do,you will die! What if kung nahulog ka sa isang anak ng mafia?what will you do? Are you willing to sacrifice your life to the person you love? "I won't let you go,tr...