Chapter 1

11.7K 258 58
                                    

Lancie's POV

Para akong tanga na nag tatago sa mga poste dito sa may gilid gilid ng daan habang sinusundan ang lalaking para sa akin.

Shete. Para akong obssessed stalker nito. Pero huwag siya dahil napaka gandang stalker ang meron siya! Bihira lang kaya ang ganon no. Swerte nga niya dahil ako na si Lancie na maganda, sexy at matalino ang sumusunod sunod sakaniya.

Napa lingon siya sa may likuran niya kaya mabilis akong tumalikod at inakbayan ang isang mamang kalbo.

"Talaga po! Naku! Ganiyan talaga ang buhay kuya! Laban lang!" Sumilip ako ng kaunti para makita kung nasaan na siya pero hindi ko na siya makita. Putek! Nawala tuloy!

"Iha, iha."

"Bakit po?"

"Kilala ba kita? Maganda ka sana pero mukhang may sayad ka sa utak."

Inalis ko ang pagkaka akbay ko kay kuya dahil nag feeling close ako sakaniya.

"Sorry po. Sinusundan ko lang kasi ang future husband ko. Hehe."

"Naku! Mga kabataan ngayon! Iha, huwag mong habulin ang lalaki. Ikaw dapat ang hinahabol."

"Naku manong! Huwag niyo akong pangunahan sa mga desisyon ko sa buhay. Baka gusto mo ipahabol kita sa aso. At anong alam mo tungkol sa pag hahabol? Runner ka?"

"Aba bastos kang bata ka!"

Inilabas ko ang dila ko at nag bleh ako sakaniya sabay inirapan. Kala mo naman e. Oo na! Matagal ko ng alam na dapat hindi babae ang nag hahabol! Hindi na nila kailangan pang ipangalandakan sa akin dahil matagal ko nang alam! Pero ano bang magagawa ko? E mahal ko 'yung tao! May mangyayari ba kung tutunganga lang ako at mag hihintay ng himala? Wala. Baka maging matandang dalaga nalang ako pag nagka taon.

Ngayon nga na hinahabol ko siya walang nangyayari. Yun pa kayang tumunganga ako at mag hintay? Baka maging puti na ang uwak pero kami wala pa rin.

Makapag aral na nga lang ng mabuti. Huwag puro landi!

Bumalik ako sa Shin-Woo University kung saan ako nag aaral. I'm a 4th year college student at graduating na. Salamat sa Diyos at kaunting kembot nalang ay gagraduate na ako. Sawang sawa na kasi akong mag aral. Minsan ako nalang ang gumagawa ng way para magkaroon ng rason para makatapos. Lalo na't hindi masyado pumapasok ang bebe Patricio ko dahil umuuwi ito ng probinsya dahil sa bestfriend niya.

Sa dinami rami naman kasing lalaki dito sa mundo ay doon pa ako tinamaan sa lalaking may iba ng mahal. Pero ma swerte pa rin ako at hindi rin siya mahal ng mahal niya. O diba? It's a tie! Feeling ko pinag tagpo talaga kami ng tadhana dahil parehas kaming nagpapaka tanga. Ang saya saya!

Mas mahirap kasing mahalin ang taong may mahal na nga tapos mahal din siya. Mahirap kalabanin 'yun. Buti nalang at kahit papaano ay naging mabait ang Diyos sa akin at pinagbigyan ako. Kaya hinding hindi ako susuko sakaniya ano mang mangyari.

Tandang tanda ko pa noong una ko siyang makilala. I was first year College that time. Naging magkaklase kami sa isang subject though magka iba ang course namin. I'm taking BS in Biology. I want to study life e. Mahalaga sa akin ang buhay. That's why I'm not wasting every second of my life.

Anyway, ayun na nga. May naka away akong kaklase na babae. Pinag bibintangan ba naman ako na nilalandi ko raw ang boyfriend niya where in fact it was her boyfriend who was pushing his self to me. Text nang text ang boyfriend niya sa akin at tawag nang tawag. Alam ko na maganda ako at hindi na bago sa akin 'yon.

So ayun nga. Nagalit siya sa akin dahil nang aagaw daw ako. So ako naman na may maiksing pasensya pag dating sa mga ganitong bagay ay hindi na nakapag pigil at kinuha ko ang gunting sa bag ko sabay gupit sa buhok niyang hindi naman kahabaan!

Love me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon