Nandito kami ngayon sa unit ni Dred at hinihintay namin si Luke. Hindi na nahabol ni Evan si Lucia kanina kaya heto kami ngayon. Nag iinom. Kanina pa siya iyak ng iyak and I'm actually worried about him. Hindi ba siya nauubusan ng luha man lang?
"Saan ba ako nag kulang? May mali ba sa akin?" He asked at iyak lang ito ng iyak habang tungga ng tungga ng alak. "Why did he say no to me? Ayaw niya ba sa'kin?"
"Bro, hindi natin alam kung bakit siya nag no sa'yo. Wala tayong ideya kung bakit."
"Tangina. Putangina talaga!" Mura niya at pinag susuntok niya ang braso ni Kent which Kent accepted all.
Kung nasa normal na sitwasyon lamang kami ay baka natawa na ako dahil si Javier nanaman ang kawawa rito. Kaso hindi. Hindi ko magawang tumawa dahil nag aalala ako. At isa pa sa mga iniisip ko ay si Kennedy.
"Hindi pa ba tumatawag si Luke?"
"Hindi pa." I answered at tinungga ko na rin ang bote ng alak.
Hinahanap niya ngayon ang kapatid niya. Kanina pa siya wala at alam kong nag aalala na rin 'yon because we tried to contact Lucia pero hindi namin siya macontact man lang. Kaya ang sabi niya ay dito na lamang kami sa unit ni Dred at hintayin namin siya.
"Ay kabayo! Ano 'yun?!"
Sabay sabay kaming nagulat nang maka rinig kami ng sunod na sunod na malalakas na katok sa pinto.
"Hoy! Sino 'yun?! May kaaway ka ba Dred?" Tanong ko.
"Wala ah! Hoy Kent! Tumayo ka riyan at samahan mo'ko. Baka mamaya kaaway 'yun."
"Akala ko ba wala kang ka away?" Tanong ni Kent pero hinila nalamang siya ni Dred.
I looked at the wall clock dito sa may living room ng unit and it's already 12:30 AM na. Nag aalala na rin ako kay Luke dahil mula kanina ay hindi pa rin siya nag memessage or what. Sana man lang nahanap niya na si Lucia.
Tinignan ko si Evan na nasa may tabi ko. Naka tulala lamang ito habang patuloy pa rin sa pag iyak. Hawak hawak niya ang singsing na ibibigay niya sana kay Lucia kanina.
"Putangina talaga! Putangina!"
Napa ayos ako ng upo dahil sa gulat. Ibinanda ko ang paningin ko sa may pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kennedy na may mga pasa at dugo pa sa mukha.
"Bro! Tangina mo! Napapano ka ba?!"
"Oh my god, Kennedy! What happened to you?!" Sigaw ko at napa takbo na ako sakanila.
Yakap yakap ni Kent si Kennedy na nag wawala at umiiyak din.
"Tangina! Tanginang buhay 'to!" Sigaw niya at tinulak niya si Kent.
Napa upo si Kent at sumunod naman si Dred na awatin si Kennedy. Lumapit na ako sakanila pero pati ako ay naitulak niya at bumagsak ang pwetan ko sa may sahig.
"Bro! Ano ba?! Ano bang problema?! Umayos ka nga!" Sigaw ni Dred kay Kennedy at kapwa silang bumagsak sa may sahig. Yakap yakap niya ito para mapigilan sa pag wawala.
Lumapit ulit ako sakanila at tinulungan ko si Dred. Kennedy is just crying while shouting. He is so drunk.
"Crane. Si Crane, b-bro. H-hindi ko kaya. Hindi." He said habang humahagulgol siya ng iyak.
"Bakit?" Tanong ni Dred.
Pinunasan ko naman ang mukha niya na may mga dugo dugo pa. Mukhang nakipag suntukan pa siya.
"Kent, get the first aid kit. Hurry up!"
"She left me. I-iniwan niya ako. Iniwan niya ako."
"What?"