Bukas na ang graduation namin at nandito ako sa amin ulit nag stay. We went home the next day after naming mag beach with Luke's family. Inasar namin ng inasar si Luther nang mag breakfast kami kinaumagahan. Pikon na pikon siya sa amin to the point na tinapunan niya kami ng juice ni Luke. Ganon kasama ang ugali niya. Letse siya! Napagalitan tuloy siya sa Daddy nila. Bagay niya!
"Lancie." Napa tayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Pat. I'm here in the gardern at kumakain ng dinner.
"W-what are you doing here?" I asked.
Kinabahan naman ako dahil baka mamaya ay ano nanaman ang gawin niya especially ngayon lang ulit siya nag pakita. Luke is not here at may inaasikaso ito. Ganon din si Papa. I'm fucking alone in our house.
Umupo siya sa harap ng kinauupuan ko kanina at nag umpisang kumain ng mga pagkain ko.
"What are you doing? Sit down. Let's eat." He said while looking at me.
"Pat, please. Ayoko na ng gulo."
"What are you talking about? I'm not doing anything. I'm just eating." He said while smiling. "Umupo ka na rito." Pag patuloy niya pa.
"Ayoko. Nawalan na ako ng gana." I said.
"Kapag sinabi kong umupo ka rito, umupo ka." He said seriously at mas dumoble ang kaba ko sa tono ng boses niya.
"Pat, please. Just get out. Leave me alone."
He was about to answer me nang mag ring ang cellphone nito. Dinukot niya ang phone niya sa may bulsa niya at sinagot ang tawag.
"Alex?...Yeah. Where?...Okay. We will go...With who? With Lancie ofcourse..." He said while staring at me. "I know what I'm doing bro...Okay...Papag bihisin ko lang siya and we'll go there right away." Ibinaba niya na ang cellphone niya. I think it was Alex who called him.
"Change your clothes. We're going to the bar."
"Ayoko. Kung gusto mong mag punta, mag punta ka mag isa. Umalis kang mag isa."
"Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo. Fucking change your clothes upstairs or I'll be the one who'll change it. You choose."
Tinalikuran ko na lamang siya at umakyat na ako sa taas para mag palit nang damit. Letse! As if I have a fucking choice to say no?!
"It's okay Lancie. Nandoon naman sila Alex. Sila naman ang pupuntahan niyo. Walang mangyayari."
Kinuha ko ang cellphone ko and I dialled Kennedy's number. Nandoon din kaya siya? Sana nandoon siya dahil iba na ang handa.
"Hello, Kennedy?" I greeted when he answered the call.
"Oh." Napa kunot naman ang noo ko sa tono ng boses niya. Nitong mga nakaraan ay napapansin namin nila Dred ang pag babago niya. I think he has a problem.
"Nasa bar ka? Pinipilit ako ni Pat na mag punta dahil nag aya si Alex. Natatakot kasi ako e. Wala si Luke. Mamaya pa uwi nun." I said to him.
"Oo. Nandito kami. Mag kakasama kami. Evan is here too."
"Sige. Huwag kang aalis ha."
"Oo. Babantayan kita." Seryosong sabi niya and he ended the call.
Ano kayang problema talaga niya? Napaka seryoso niya talaga. This is not so him.
I changed my clothes at dumiretso na ako sa baba pagka tapos ko. I messaged Luke and told him na pupunta kami sa bar kasama si Pat at nandoon sina Kennedy. Ayoko namang hindi sabihin sakaniya at baka kung ano ang isipin niya at ayaw kong mag isip siya nang kung ano.