Chapter 67

3.3K 143 48
                                    

Napa hawak ako sa ulo ko nang imulat ko ang mga mata ko. I look around to find Raine but he isn't here. Where is he? Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

Totoo ba 'yun o nananaginip lang ba ako? Si Ryoga at Luke. Naiwan silang dalawa at hindi sila maka labas. May bomba. Malala ang lagay ni Luke hangga't sa sinabi ni Ryoga na patay na si Luke. Napa iling ako.

No! Hindi. Hindi 'yun maari. But there was an explosion and then the phone call ended. I felt a great pain in my chest at sunod sunod na nag sibagsakan ang mga luha ko.


"Hindi 'yun totoo!" Sigaw ko at mabilis akong lumabas ng kwarto ko.

I ran downstairs at napa hinto ako nang makita ko si Raine at Luther na nag uusap sa may living room at kapwa silang umiiyak.

"Luther." I called him at inangat niya ang paningin niya sa akin.

"B-bakit kayo umiiyak? Hindi naman t-totoo 'yun 'di ba?" Tanong ko sakanilang dalawa.

Tuluyan na akong bumaba ng hagdan at mabilis na lumapit sa akin si Luther. He hugs me so tight to the point that it hurts me but I don't care. Ang mas iniisip ko ngayon ay ang pag iyak niya ng sobra. Humahagulgol na ito at hindi ko gusto ang way ng pag iyak niya na para bang nawalan siya ng taong pinaka importante sakaniya.


"L-Lancie...Si K-Kuya."

"S-shut up! Shut the fuck up!" Sigaw ko at sinubukan kong humiwalay sa pagkaka yakap niya sa akin but he doesn't want to let me go.

"Bitawan mo 'ko! Pupuntahan ko si Luke! Hahanapin ko siya!"

"Wala na siya. W-wala na sila ni Kuya Ryoga."

"Ano ba?! Bitawan mo 'ko sabi e! Ano bang pinag sasabi mo?!" I pushed him so hard at napa bitaw ito sa pagkaka yakap niya sa akin. I slapped his face so hard too at bumakat ang kamay ko sa mukha niya at namula ito agad.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo! Hindi 'yan totoo!" Sigaw ko sakaniya. "Raine, hindi 'yun totoo! Yung kagabi? W-wala 'yun. It's not true r-right?!"

Kapwa silang hindi sumagot at naka titig lamang sila kung saan habang umiiyak. Hindi pwede 'to! Hindi pwedeng mangyari 'yon!

Luke is my everything. I love him so much and he can't just leave me like that and our child! Magpapa kasal pa kami! Bubuo pa kami ng sarili naming pamilya. Nangako siya sa akin at lahat ng pinapangako niya ay tinutupad niya! Babalikan niya pa ako at 'yun ang sabi niya!

Isa pa ay si Ryoga! Kasama niya si Ryoga at alam kong hindi sila mamamatay nang ganon na lamang. He always finds ways just like what he always says at alam kong hindi niya kami bibiguin sa motto niyang 'yon. He is the great Ryoga that we know!


"Lancie, hinahanap nila ang bangkay kung saan nangyari ang l-lahat. Pero w-wala na talaga e." Luther said at parang nandidilim ang buong pagka tao ko dahil sa sinasabi niya.

How dare him to talk like this?! I walked towards him at pinag hahampas at pinag sasampal ko ulit siya dahil hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig niya! How dare him talked such like this?!

"Sinungaling ka! Walang hiya ka! Anong klaseng kapatid ka ha?! Ba't ganiyan ka mag salita?! Hindi patay ang Kuya mo! H-hindi niya ako iiwan!"

Pakiramdam ko ay naubos lahat ng lakas na meron ako at napa salampak na lamang ako sa may sahig nang mapagod ako sa pananakit sakaniya.

"Luke won't leave me right? Hindi niya ako iiwang mag i-isa rito. He loves me. He loves me so much at hindi n-niya kaya na wala ako. Hindi niya kaya-" Hindi ko na matuloy ang gusto ko pang sasabihin nang biglang manikip ang dibdib ko.

Love me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon