I slowly open my eyes at wala na si Luke sa tabi ko. What time is it already? Umupo ako at itinali ko ang buhok ko. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng tent.
I saw Luke preparing our breakfast on a table. Automatic akong napa ngiti dahil doon. He's really caring.
"Good morning!" Masayang bati ko sakaniya at nilapitan siya.
"Sit down."
"Hindi ka man lang ba mag gu good morning sa akin?" Tanong ko sakaniya.
"No need to. My morning is always good and it becomes better when I'm with you."
Pakiramdam ko ay ang pula pula na ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Ibinaling ko sa kabilang banda ang tingin ko para hindi niya makita na na apektuhan ako sa sinabi niya. Hayop siya. Banat ba 'yon? Banatan ko siya diyan e!
"Let's eat."
He sits beside me at nilagyan niya ng mga pagkain ang plato ko.
"Eat many. Okay? I don't want you to get thin." Tinapik ko naman ang kamay niya sa sobrang dami ng nilagay niya.
"Ayoko namang maging baboy no!"
Naramdaman ko naman ang kamay niya sa may bewang ko kaya napa tingin ako sakaniya.
"You will be forever sexy in my eyes."
"Alam mo kanina ka pa ha."
"Kilig ka?"
"Hindi naman masyado. Kaunti lang."
"O mahalin mo na ako. Tapon mo na si gagong Abellano."
Sinubuan ko siya ng pagkain para matigil na siya sa kaka bash kay Pat. Number one basher niya ata 'to.
"Saan na tayo pupunta niyan?"
"Uuwi na tayo."
"Agad? Ang aga pa e."
"Bakit? Gusto mo ba akong makasama pa?"
"Hmm? Pwede na rin."
Inirapan niya naman ako sa sagot ko at natawa ako dahil doon. Pikon nanaman siya e.
"As long as I want to be with you, I need to go somewhere after this. It's an urgent."
"About your Mafia thing?"
"Yep."
"Sama mo kaya ako?"
Nacu curious talaga ako sa klase ng buhay na meron sa underworld. Parang kasi ang cool lang. But I know how dangerous it is. Ayaw ko namang mamatay ng maaga. I cherish my life the most.
"You can't. It's dangerous."
"E bakit si Lucia?"
"Huwag mo nang ipilit. Kulit mo rin e no. Bilisan mo nalang kumain diyan."
Hindi ko nalang siya pinansin at kinain ko nalang lahat ng pagkain na nilagay niya sa plato ko.
After our breakfast ay naligo na ako sa public CR na nandito. I fixed all our things inside our tent at inilagay 'yon sa loob ng kotse niya. Nakaka hiya naman kung siya lang lahat ang pag liligpitin ko. Baka sabihin niya napaka tamad kong babae.
"Wala ka ng nakalimutan?" He asked me habang pinupunasan niya ang buhok niya.
Hayop! Bakit ang gwapo niya sa ginagawa niya? Inagaw ko ang towel sa kamay niya at ako na mismo ang nag kuskos ng buhok niya.
"Wala na. Na ayos ko na lahat."
"That's good."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papasok sa loob ng kotse. He combs his hair at naka titig lang ako sakaniya habang inaayos niya ang buhok niya. Bakit kasi ang gwapo at hot niya? Nababadtrip na talaga ako sakaniya.