It has been five days that Patricio is avoiding me. It has been five days na hindi niya ako kinakausap o kinikibo man lang. Kahit makita ko siya sa school ay iniiwasan niya ako. Nag papapansin na ako sakaniya lahat lahat kapag kasama namin ang mga kaibigan namin pero kiber lang ako para sakaniya. I actually feel sad right now dahil sa treatment na pinapakita niya sa akin ngayon.
"Kai." I called him habang nandito kami sa may Cafeteria at kumakain kasama sila Alex. We are having lunch.
"Hmm?"
"That night, when he called me. Did he get angry dahil hindi ako pumunta at hindi ko siya pinuntahan?" I asked. Sila ang magkaka sama at ngayon ko lang siya natanong tungkol dito. Dahil yung gabing 'yon ang naiisip kong dahilan kung bakit iniitsipwera nanaman niya ako.
"Ah yeah. Are you two in a relationship?"
"What? No. We still don't."
"He was really mad dahil pinatayan mo siya ng cellphone. We actually waited for you that night but we waited until 5 am but you didn't come."
"Ano?! Nag hintay kayo sa akin?"
"Oo! Dahil alam naming darating ka lalo na si Patricio 'yon. Siya ang nag sabing pumunta ka. E kaso wala. Nganga kami. Ano bang nangyayari sa inyo ha?" Tanong naman sa akin ni Alex na ngayon ay nakiki sali na sa usapan namin. "May kasalanan ka pa sa akin baka akala mo nakalimutan ko na."
Nag peace sign lang ako sakaniya. Alam ko namang tuwang tuwa siya niyan. Sus.
"But really, Lancie. Pat told me that night that it seems like you're avoiding him these past few days which I actually don't wanna believe. Pero naniwala na ako noong hindi ka dumating."
Hindi naman ako naka sagot sakanila. I was busy with Luke kaya hindi ako masyado nakaka sama kay Pat. Kaya nababaliwala ko siya.
"Pero bakit naman niya sasabihin 'yon sa inyo? Hindi naman big deal sakaniya 'yon. Hindi naman niya ako gusto."
"I don't know."
"Baka may gusto na siya sa'yo. Hindi naman siya magkaka ganon kung wala e. Yiiee." Alex said at sinabunutan ako. Inalis ko ang pagkaka sabunot niya sa akin at hinampas siya. Gago 'to ah!
"Si Pat? Magkaka gusto sa akin? That would be impossible! He really loves his bestfriend so much. Duh! Alam na alam mo 'yan Alex."
As far as I know ay si Alex at Kennedy ang may alam kung gaano niya kamahal ang bestfriend nito. Kaibigan din kasi nila si Margo.
"Or maybe naninibago siya because he knows you are head over heels to him."
"Napapansin niya na siguro ang worth mo. Achievement 'yan Lancie! Kaya kung ako sa'yo, puntahan mo na. Suyuin mo na. Baka nag tatampo."
"I don't know. He's really avoiding me. He is back to his cold treatment again." Malungkot na sabi ko at napayukyok ako sa may mesa.
"Huy! Ayan na siya oh."
"He is with someone."
Ibinaling ko naman ang paningin ko sakanila at parang nag dilim ang paningin ko nang makitang may kasama siyang babae and worst naka akbay pa siya sakaniya. Like what the fuck?!
"Lusubin mo na Lancie. Papayag ka ba na ganyanin ka niya? May Margo na nga may ibang babae pa. Tsk tsk." Sulsol sa akin ni Alex.
"Stop it Alex. You sound like a demon." Bawal sakaniya ni Kai.
Hindi na ako nag isip pa at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Alex is right! Damn it. May Margo na nga akong kalaban sa puso niya aba't dinagdagan niya pa?!