Chapter 39

4.4K 137 18
                                    

Hindi ko alam kung saang lugar na 'tong kinaroroonan namin. Nasa isang abandonadong building kami at sobrang daming tao ang naririto. Nag aalala tuloy ako para kay Luke at parang mas gusto kong huwag nalang siyang pumunta dito at baka mapano pa siya.

"Luther, wala ka man lang bang naiisip kung paano tayo makaka takas dito?" Tanong ko sa katabi ko at parehas kaming naka tali ngayon.

"Wala. Kung mag isa ko lang dito, makakatakas pa ako. Pero hindi e. May pabigat at ikaw 'yon."

"Walang hiya ka talaga. Edi umalis ka!"

Kailan ba mag babago 'tong kapatid niya? Nasa bingit na nga kami ng kamatayan pero ganiyan pa rin siya sa akin. But wait. What is he doing here in the first place?

I was about to ask him but I paused when I saw Patricio walking towards us. Hayop siya! Sinamaan ko siya ng tingin at seryoso lamang itong naka titig sa akin.

"So where's your knight in shining armor now?" He asked while smirking at me. Gusto ko siyang kalmutin!

I'm actually fucking asking myself now, how did I manage to love someone like him before?!

"Hayop ka. Pakawalan mo kami rito!"

Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang umpisahan niya akong kalasan ng tali.

"Huwag kang umasang pakakawalan na kita. I just don't want to see you with this kind of situation." Bulong niya sa tenga ko.

Hinila niya ang kamay ko at napa tayo ako mula sa pagkaka upo ko.

"Let's go." He said at tuluyan niya na akong kinaladkad.

"Saan mo 'ko dadalhin?!" Sigaw ko sakaniya at nag pumiglas ako.

"Lancie!" Dinig kong sigaw ni Luther at napalingon ako sakaniya. Sinubukan niyang kumawala sa upuan kung saan siya naka upo pero hindi niya magawa.

"Luther!" I shouted pero patuloy pa rin sa pag hila sa akin si Pat. Fuck! Ni hindi ako makapiglas.

"Tangina mo, Abellano! I'm gonna kill you once you did something bad to her!" Luther shouted again pero walang pakialam si Pat sakaniya.

Hinila niya ako palabas ng building at huminto kami sa harapan ng isang kotse.

"Get in." He said at binuksan niya ang pinto.

"Pat, please. Huwag namang ganito." I said at lumapit ako sakaniya.

I hug him dahil baka madala ko pa siya sa mabuting pakiusapan. Baka kahit papaano ay nandiyan pa rin 'yung Pat na kilala ko. 'Yung Pat na minahal ko.

Humiwalay siya sa pagkaka yakap ko at tinitigan niya ako. I don't know why but I saw pain in his eyes.

"Just get in. I don't want you to get hurt."

"W-what do you mean?" Tanong ko at naguguluhan ako.

"Basta pumasok ka na!" Bulyaw niya sa akin.

Itinulak niya na ako sa loob at napa upo ako sa may upuan ng kotse. Mabilis siyang umikot at pumasok sa kabilang pintuan. He started to drive the car.

"Pat! Saan tayo pupunta?! Bakit natin iniiwan si Luther?!"

"This is their fight. Your boyfriend's fight not ours." He said.

"Bumalik tayo! Ano ba?! Balikan natin si Luther!"

Hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang siya sa pag mamaneho. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko at kinakabahan ako. Kapatid ni Luke ang naroroon at mag isa niya lang. E si Luke kaya? Papunta na ba siya ron? Fuck!

Love me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon