The next day ay parang hindi maipinta ang mukha ko. Parang pasan ko ang daigdig dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ni hindi ko magawang ngumiti.
I looked at my phone again to check my messages at napa ngiti ako nang makitang ang daming calls and messages ni Luke sa akin. I know he is worried. He is fucking worried at baka kung ano na ang iniisip niya lalo na't hindi ko siya sinasagot o nirereplayan.
I decided last night na iiwasan ko nalamang siya. Dahil hindi ko naman kayang kausapin siya at sabihing harap harapan na itigil na namin kung anong meron kami. Hindi ko kaya. At kahit yata ipunin ko ang lahat nang lakas na meron ako ay hindi ko magagawa 'yon.
I read all of his messages at puro sorry ang nababasa ko.
Sorry if I sounded like a jealous boyfriend.
Are you angry? I'm sorry.
Please answer my calls. I miss you.
Hey. Hirap mo naman suyuin. Nag sosorry na nga e. Ganda ka?
Napakagat na ako sa labi ko para pigilan ang nagba badya na luha sa mga mata ko.
"I miss you too. But I need to do this. Noon pa man alam ko nang mali ang ginagawa natin pero ipinag patuloy ko pa rin." Sabi ko sa sarili ko at tumayo na ako sa may kama ko.
Hindi ako pumasok ng first subject dahil parang wala akong ganang mag aral. But nothing will happen kung daramdamin ko ang lahat nang 'to. Ma aapektuhan ang pag aaral ko and I don't want that to happen.
Pumasok na ako sa may CR at naligo. Nag bihis na rin ako sa loob at para akong zombie kung kumilos dahil sa sobrang bagal ko. Alam mo yung pakiramdam na parang walang kulay at kwenta ang mundo mo? Ganon ang nararamdaman ko. Piste!
I went outside of my rest room at naabutan ko ang cellphone kong nag riring. Mabilis akong tumakbo papalapit doon and it's Luke again. Kinuha ko amg cellphone ko at napa titig ako roon.
Don't answer Lancie. Just don't! Bulong ng utak ko sa sarili ko.
Todo pigil ako sa pag sagot at naiiyak na ako sa hindi ko malaman na dahilan. I was about to amswer the call pero bigla naman itong nag end na.
"Fuck!" Sigaw ko out of my frustration at mabilis kong ibinato sa kama ang cellphone ko. My tears fell down dahil nasasaktan ako ngayon.
Nasasaktan ako dahil kailangan ko na siyang iwasan. Kailangan ko na siyang layuan. Kailangan ko siyang tiisin. At higit sa lahat kailangan na naming tumigil. Putangina!
Sinuklay ko nalamang ang buhok ko. Naka titig lang ako sa may salamin at naiinis ako sa sarili ko! Bakit ko kasi hinayaang humantong sa ganitong sitwasyon? Bakit hinayaan ko ang sarili kong mahirapan?
I didn't manage to put anything on my face. So feeling ko mukha akong zombie ngayon. Plus the fact that I didn't sleep well because I was thinking about him. About Luke.
Pag baba ko sa may living room ay nadatnan kong naroon si Pat kausap si Dad. They are seriously talking. Bigla naman silang huminto sa pag uusap ng makita na nila ako.
"Good morning!" Masayang bati sa akin ni Pat as if nothing happened last night. Lumapit ito sa akin atsaka niya ako yinakap. Pilit akong mgumiti sakaniya dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Anak, may sakit ka ba? You look pale." My dad asked at mukhang nag aalala ito.
"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong naman din sa akin ni Pat.