Umuwi akong mag isa kagabi na basang basa at ginaw na ginaw. So now, here I am. I'm fucking sick just because I let myself to get wet under the rain last night. Panay ang ubo ko at singa ng sipon. Hindi na rin ako pumasok dahil sobrang sakit ng ulo ko.
Ibinalot ko ng kumot ang katawan ko dahil pakiramdam ko ay nasa loob ako ng freezer kahit pa naka patay na ang aircon sa loob ng kwarto ko.
"Kainis!" Bulong ko sa sarili ko.
Bakit kailangang mahirapan ako physically at emotionally? Hindi ba pwedeng isa lang? Grabeng pag durusa at parusa 'to sa akin ha.
Napa tingin naman ako sa may pinto ng kwarto ko nang bigla itong bumukas.
"Anong nangyari sa'yo?!" Alalang alala na tanong ni Pat at mabilis itong lumapit sa akin. I just smiled at him.
"I'm sick but I'm fine. Don't worry."
Hinawakan niya ang noo ko at para siyang napaso dahil sa pag patong niya ng kamay niya roon.
"Shit! Ang taas ng lagnat mo. Let's go to the hospital!"
"No!" Mabilis na sagot ko sakaniya. "I don't want. Please. Dito lang ako."
"You're already burning on fire!"
"Just please, Pat. Ayoko." Hinawakan ko ang kamay niya at lumambot naman ang ekspresyon nito.
"Wait me here. Kukuha lang ako ng gamit sa baba."
Lumabas naman ito ng kwarto at naiwan ako mag isa dito. Kung noon pa kaya naging ganito sa akin si Pat noong wala pang Luke, magiging masaya ba ako? Kikiligin ba ako ng sobra? Kasi ngayon, iba na ang nararamdaman ko. Para bang normal nalang.
Napahawak ako sa may dibdib ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Inisip ko si Patricio at inalala kung anong mga kabaliwan ang ginawa ko noon para sakaniya.
On Valentines day, sinurprise ko siya sa loob ng classroom niya. Hiyang hiya siya noon at hinagis niya ang bulaklak sa mismong harapan ko na binigay ko sakaniya. Napahiya ako noon sa buong klase at tinawanan pa'ko ng mga kaklase niya.
Kada birthday niya ako ang nagpi prepare nang surprise party. Oo uma attend siya but he have never said thank you to me.
I always write love letters to him at inilalagay ko 'yon sa may locker niya. But everytime na sinisilip ko siya kung binasa niya ba o ano, makikita ko siyang nilalamutak niya lang ito at itatapon sa basurahan.
One time din napadaan ako sa may room nila. Nakita kong pinapagalitan siya ng Chem prof nila because he failed to pass his projects. Nang makalabas na siya ay kinausap ko ang prof nito at sinabi na ako nalang ang gagawa ng project niya. Tinakot ko pa ang prof na 'yon na kung hindi niya ako hahayaan ay pasasabugin ko ang chem lab.
Tuwing may basketball practice sila. Binibilhan ko siya lagi ng gatorade na malaki pero never niyang ininom 'yon. Si Kennedy or Kent ang laging umiinom dahil binibigay niya ito sakanila. Then every time na may laban sila, todo cheer pa ako at minsan umaabot pa sa puntong mapapaos ako.
Tapos lahat ng babaeng nagkaka gusto sakaniya ay kinakausap ko at tinatakot para tigilan lang siya.
Napa ngiti nalang ako ng wala sa oras dahil sa mga memories na 'yon. I was so crazy inlove to him to do all of those things. Pero bakit ngayong nandito na siya, ngayong siya na ang lumalapit, bakit hindi ako masaya? Bakit nahihirapan ako? Bakit naiisip ko si Luke? Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Pero bakit ganito? Hindi ko na talaga alam ang sagot sa tanong ko na pa ulit ulit na lamang.