I slowly open my eyes at kinapa kapa ko ang kama ko. Bakit parang wala yata akong katabi? Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay wala sa tabi ko si Luke. Did he go home? Umupo ako sa may kama at tinali ko ang buhok ko.
Napa tulala naman ako at inisip ko ang pinag usapan namin ni Luke kagabi. What am I doing? Bakit feeling ko magiging fuck girl ako dahil sa nangyayari?
Pat is using me as his fuck buddy. Tapos naman ngayon, hinahayaan ko si Luke na halik halikan ako at kung anong gawin niya sa akin. Pero hindi ko yata kayang may mangyari sa amin. No. I won't go with that level. Hanggang make out lang kami.
I don't know too if he's really serious sa pag agaw sa akin kay Pat. But damn it. I know him! Once he said it ay gagawin niya talaga nang walang pag aalinlangan.
What if mainlove siya sa akin along the way? Hindi ko masusuklian yun once na mangyari 'yon. But what the fuck? Napaka assuming ko naman yata! Mangyayari ba 'yon?
E paano kung ikaw ang mainlove sakaniya?
That would be very impossible too! My body may be attracted to him, but not my heart.
Nasaan na nga ba pala 'yon? Letse siya. Kung umuwi man siya ay bakit hindi siya nagpa alam man lang sa akin? The fuck.
Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko and it's him. Saan siya galing?
"Good morning." Bati niya sa akin at humiga ulit siya sa may kama ko habang nakayakap siya sa may bewang ko at naka upo ako.
"Good morning." I answered back.
Shit! Why is he so sweet as fuck? Seryoso na ba talaga siya?! Hindi ko siya matignan dahil parang nahihiya ako. Sa kapal ng mukha ko ay ngayon pa ako nakaramdam ng hiya! Susmaryosep talaga!
"Today is Saturday. Are you free?"
Niyayaya niya ba akong mag date? Enebe! Ganda ko talaga. Humiwalay siya sa pagkaka yakap niya sa akin at ipinwesto niya ang ulo niya sa mga hita ko. Tinignan ko siya at seryoso siyang naka tingin sa akin.
"Yes. I'm free. Why?" I said and I started to play his hair. His hair is so soft. Ano kayang shampoo niya?
"Let's go somewhere?" Aya niya habang naka pikit ito.
"Saan naman?"
"I don't know."
"Nag yayaya ka tapos hindi mo alam kung saan? Sasakalin kita diyan e." Marihin kong sinabunutan ang buhok niya.
"Ikaw na mag decide. Ako na nag yaya e."
"Ano ba trip mo? Overnight? One day lang? Ano? You choose first."
"I prefer overnight with you. Quality time."
I didn't answer back at nag isip pa talaga ako ng sasabihin ko dahil walang pumapasok sa utak ko na isasagot sakaniya. Letse!
"Is that okay with you?"
"Yes. I'll call our friends."
"No. Dalawa lang tayo. Wala tayong isasamang iba."
"What?"
"Quality time nga diba?"
Tumayo siya sa pagkaka higa niya at inayos niya ang sarili niya.
"I need to go. Babalikan kita mamaya dito. Prepare your things. I'll be back after an hour. I cooked breakfast downstairs. Kumain ka na."
Lumabas siya ng kwarto at naiwan akong naka nganga dito. Napasabunot naman ako sa buhok ko at hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko! Damn it.