I stayed in Luke's house at excited na excited na ako ngayon dahil papunta na kami sa restaurant kung saan namin kikitain ang bestfriend niyang animal.
"Luke, nag da drugs ba 'yong bestfriend mo?"
"Why?"
"Kasi noong gabing pinag susuntok mo siya, tawa siya ng tawa."
I can still remember how he laughed. Para siyang baliw. Puro dugo na ang mukha niya pati na rin ang bibig niya pero panay tawa lang siya. Hindi ba siya nasasaktan? Wala ba siyang pakiramdam? Manhid yata si gago.
"Hayaan mo nalang. Baliw lang talaga 'yon. But I'm telling you, he's kind and a good man."
"Good man? Pero nag tatangka? Next joke please."
"Ah basta. It's hard to explain and I can't tell you why is he like that."
Edi sila ng ma sikreto! Bwiset. Huminto naman ang kotse niya sa isang seafood restaurant. Inalis ko na ang seatbelt ko at bumaba na ako ng kotse niya.
"By the way, you look gorgeous tonight and as always." He said and he kissed me on my cheeks. Yiiee. Kilig aku.
"Thank you." Malandi na sabi ko sakaniya at ipinwesto ko ang kamay ko sa may bewang niya.
Pumasok na kami sa loob ng restau at hinanap na namin ang table kung nasaan ang bestfriend niya. Ang sabi niya kanina ay nandito na raw siya. Ang aga nga e. Excited yata si gago. Hindi ba siya marunong ma late man lang? Like he is one hour advance. Kaya nag madali na kami kanina ni Luke. Akala ko pa nga ay namali lang siya ng oras pero maaga lang raw talaga siya. He is so weird.
"There he is."
Napa tingin ako sa tinuro ni Luke and I saw Ryoga sitting on a table. Nasa may bandang dulo siya at tutok na tutok ito sa cellphone niya. What is he doing para maging ganiyan siya ka seryoso at mukhang nang gigigil pa ito.
"I think he is playing ML again."
"ML?"
"Mobile legend. Favorite game niya 'yon."
Nag lakad na kami papalapit sakaniya at umupo kami sa may table sa harapan niya. Hindi niya pa rin kami pinapansin at parang wala siyang pakialam sa paligid niya. But infairness to his looks, he is really handsome. Kahit na may mga sugat pa rin siya sa mukha niya dahil sa mga suntok na binigay sakaniya ni Luke ay nangingibabaw pa rin ang kakisigan nito. Mas lalo siyang nag mukhang cool. Fuck! Why am I praising this son of a bitch?!
"Putangina bobo!" Sigaw niya habang gigil na gigil pa rin.
"Ryoga, we're already here."
"I know man. Just wait."
Napa kunot naman ang noo ko sakaniya. Mabilis kong inagaw ang cellphone niya at kinuha ko 'yon sakaniya. I look at it at inexit ko kung ano man itong ML na nilalaro niya. I don't want to wait. May kasalanan siya sa akin at hindi niya dapat ako pinag hihintay.
"What the fuck?" Gulat na tanong niya.
"Nandito na kami so you must stop what you are doing. Don't make us wait."
Pabagsak kong inilagay sa may harapan niya ang cellphone niya. Mukhang hindi pa siya makapaniwala sa kung anong ginawa ko.
"Rank 'yun! Bakit mo inexit?! Ah! My goodness!" Sigaw niya at tinignan ang cellphone niya. Crazy man.
"Stop it man. You look like a kid."
"But anyway, it's fine. I can play later. Waiter!" Sigaw niya. Ang bilis naman yata mag bago ng mood niya.