Chapter 4

5.5K 206 122
                                    

I woke up the next day at wala na si Patricio sa tabi ko. I'm just alone here on the bed and it somehow makes me feel sad dahil hindi mukha niya ang una kong nakita.

Umupo ako sa may kama at medyo umokay naman na ang pakiramdam ko pero may sipon pa rin ako. Kinuha ko ang tissue sa may side table at sininga ko ang sipon ko roon. Sana mawala na 'to.

Bumukas naman ang pinto ng kwarto at mukhang nagulat pa siyang makita na gising na pala ako.

"Do you feel okay now?"

"Yes?"

"Get up. Kumain ka na sa baba at pagkatapos mong kumain ay makaka alis ka na."

Kinuha ko ang cellphone ko sa may table ko at kahit hindi pa ako nag hihilamos ay aalis na ako. Ayaw ko nang maka dagdag pa sa perwisyo na ginawa ko sakaniya at baka mas mabadtrip pa siya sa akin. I don't want him to feel bad.

"I'm going home." I said.

Inayos ko ang buhok ko and I looked at myself at the mirror to check if may muta ba ako or may laway or what.

"Thank you for last night."

Palabas na ako ng kwarto nang bigla niya akong hawakan sa may braso. I felt an electricity just because he touched me. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

"Ang sabi ko kumain ka muna bago umalis. Hindi ko sinabing umalis ka na agad."

Hinila niya ako papuntang dining room at iniupo ako sa may upuan.

Don't be like this Pat. Mas lalo lang akong aasa. At mas lalo lang kitang mamahalin.

"Get your food and eat."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hindi ako ganoon kadami kumain kaya kaunti lang ang nilagay ko sa may plato ko. Plus the fact na kakagaling ko lang sa sakit kaya wala akong gana.

"Diet ka?"

"Hindi. Kaunti lang talaga akong kumain sa umaga."

"Eat many then. Ako ang nag luto niyan. Diba mahal mo ako? Kaya kumain ka ng marami dahil yung lalaking mahal mo ang nag luto niyan para sa'yo."

Saan naman niya kaya galing 'yang hugot niya? And why is he saying that to me? Kumuha nalang ako ng maraming pagkain at nilagay sa may plato ko. Sabagay may point siya. Luto niya nga naman 'to at dapat kainin ko.

Ohmygod! Pinagluto niya ako. Ang saya saya! Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang kumakain. Nakaka inis! Kinikilig ako.
Like hello? Kung ipagtabuyan niya ako noon wagas pa sa wagas pero tignan mo naman ngayon at may pa breakfast pa ang bebe ko! Gusto kong mag tumbling!

Praise the Lord!

Kumain lang ako ng kumain habang naka ngiti. Kahit hindi ko na kaya at sumasakit na ang tiyan ko ay pinilit ko. Luto ni Patricio 'to girl! Kaya dapat lang na lamunin mo lahat! Kung pwede pati plato kainin mo na rin!

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang plato ko at nilagay sa may lababo.

"Huwag mo nang hugasan 'yan. Ako na. May taxi na sa baba na naghihintay sa'yo. Go now."

Tinignan ko siya at dumiretso siya sa may living room. Sinundan ko siya doon at umupo siya sa may sofa sabay nanood ng tv.

"Pat, thank you. Pasensya ka na kung naabala kita."

"Just go, Lancie."

Mabilis akong lumapit sakaniya atsaka siya hinalikan sa may pisngi. Hindi siya nag react at naka focus lang siya sa may tv.

"Una na ako." I said but he didn't answer.

Naglakad na ako palabas ng unit niya at dahan dahan kong sinara ang pinto.

Love me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon