Chapter 25

4.6K 178 61
                                    

Dumating si Luke kinagabihan at dala dala niya ang mga pinabili ko sakaniya. Hindi ko na sinabi sakaniya na nag punta si Pat sa amin at pina alis. Nag guguilty kasi ako at ayaw ko namang mas lalo pang ma guilty sa ginawa ko.

Maaga kaming nagising ni Luke dahil ihahatid pa namin ang kanyang pinaka mamahal na bff. Nakaka lungkot nga lang na aalis na ito. Wala ng makulit at manyak sa buhay namin na mang gugulo. Pero sabi niya babalik naman daw siya e. So we'll just wait for him nalang.

"Love, ready ka na? Tara na." Aya sa akin ni Luke. I looked at myself at the mirror for the last time.

"Maganda ka na. Tama na 'yan. Huwag ka na masyadong magpa ganda baka marami pa akong maging ka agaw sa'yo."

"Luh? Parang sira." Isinakbit ko ang kamay ko sa may braso niya at hinalikan naman niya ako sa labi.

"Tara na. Baka nag hihintay na 'yon." I said at bumaba na kaming dalawa.

Lumabas na kami ng gate at nagulat ako nang makitang nandoon na si Ryoga dala dala ang dalawang maleta niya. Kanina pa ba siya diyan?

"Man, what are you doing here? Bakit hindi mo nalang kami hinintay sa inyo?"

"Excited ako e. Bakit ba? Tara na." He said at mas nauna pa siyang pumasok sa kotse ni Luke.

"May sayad talaga 'yang kaibigan mo."

"Alam ko. Tagal na." He said then he laughed. Pumasok na kaming dalawa at nasa likod naman si Ryoga habang naka pikit.

"Lungkot mo yata." I said to him dahil tahimik lamang siya habang nag da drive naman na si Luke.

"Mas lulungkot ka, Lancie. Malungkot na malungkot."

"Gaga! Hindi naman kita mamimiss e."

"Si Luke mamimiss mo. Hindi ako." He said then he opened his eyes. Umayos na ito sa pagkaka upo at ang pula pula ng mga mata niya.

"We're always together. So he won't miss me man." Singit ni Luke sa usapan namin.

"Damn it man. Nalulungkot ako. Mamimiss kita."

"Damn you. Ilang araw ka lang naman don ah? Two weeks?"

"What the hell? Kung makapag paalam ka, akala ko pa naman matagal kang mawawala." Pang babash ko sakaniya. Akala ko pa naman mga taon ang ikakawala niya. Piste siya!

"Bakit? Binabase ba ang pagpa paalam sa tagal ng pagka wala? Kiss kita diyan e."

"Kiss mo kamao ko."

"Seloso boy. Bilisan mo nalang mag drive man. Ayokong ma late. Kailangan ko pang mambiktima ng magandang flight attendant. Para hindi ako mabored along the sky."

"Punyemas ka. Mag bago ka na." I said at binato ko siya ng stuff toy na nandito.

"Joke lang. Pero seryoso talaga 'yon." Tumawa naman siya ng parang walang bukas. Gagu talaga! Kailan kaya mag babago 'to?

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa may airport. Hinatid namin siya hangga't sa may entrance at napaka lungkot talaga ng mukha niya ngayon. Hindi ako sanay. Para siyang ewan e. Two weeks is not long. Ano kayang dina drama niya riyan?

"Man, fucking fix your face." Sita sakaniya ni Luke.

"Oo nga."

"Mamimiss ko kayong dalawa." He said at seryoso na ang mukha nito.

"Two weeks lang Ryoga. OA ka."

"Sana pag balik ko mag kasama pa rin kayo. Bakuran mo na kasi man. Weak mo e."

Love me, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon