It's been days but Luke is not talking to me. Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin pero hindi niya ako kinikibo. Kapag may itatanong ako tsaka lamang siya mag sasalita sa akin at napaka iksi pa. Tapos wala na. I don't know what I did to him at bakit siya ganiyan ngayon.
"Lancie, napano kayo ni Luke?" Tanong ni Kennedy at nandito kami sa unit niya kasama sina Dred. Siguro ay nahahalata na rin nila ito.
"Ewan ko ba don! Hindi ako kinikibo."
"Baka may ginawa ka nanamang kabalbalan?" Dred asked.
Sinamaan ko siya ng tingin at tinapunan siya ng tubig sa mukha.
"Hoy Lancie! Bastos ka talaga!"
"Tangina." Mura niya sa akin.
"Sorry. Nadala ako ng emosyon."
Kumuha ako ng tissue at inabot sakaniya 'yon.
"Wala akong ginawa, Dred."
"Yiee LQ sila." Pang iinis sa akin ni Kent.
"Tae mo LQ ka diyan!"
"Bakit? Hindi pa pwedeng mag LQ ang mag kaibigan?"
"Bobo ka talaga Kent. Dapat FQ." Sagot ni Kennedy sakaniya.
"Ang sama namang pakinggan. Parang fuck you." Singit ni Dred.
Minsan talaga iniisip ko kung may matino pa ba sa mga kaibigan ko. Mukhang wala na yata. Ako nalang ang natitirang normal sakanila. Nakakalungkot mang isipin pero ganon talaga siguro.
"Inom nalang tayo. Ayain niyo sina Lucia at Evan. Papuntahin niyo dito." Sabi ko sakanila at inopen ang phone ko.
Isa pa 'tong si Patricio. After what happened to us ay wala na rin siyang paramdam sa akin. I don't know what happened to him or baka umuwi siya ng probinsya nila. I actually miss him. After what happened to us ay parang mas lalo akong nabaliw sakaniya.
Every night before I go to sleep ay normal ng siya ang iniisip ko pero iba na ngayon. Dahil nag faflashback sa utak ko kung ano ang ginawa namin. Like enebe! Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Busy si Lucia at Evan sa isa't isa."
"Kennedy, may tanong ako."
"Ano 'yon? Malamang masasagot ko 'yang tanong mo dahil matalino at pinagpala ako sa lahat. Biniyayaan ako ng Diyos ng angking talino."
"Gaga! Dami mo naman sinabi."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Diba umuuwi ka sa probinsya kung saan pumupunta si Pat?"
"Oo. Kaibigan ko si Margo e. Kaya dapat dalaw dalawin ko rin siya doon. Alam mo naman ang sitwasyon niya, nila."
"Paano pumunta don?"
"Pupunta ka?"
"Gusto kong pumunta, Dred."
"Huwag kang pupunta don ng mag isa, Lancie. Delikado. Atsaka bakit ka pupunta don? Friends ba kayo ni Margo?"
"Hindi. Gusto ko lang."
Curious na curious kasi ako sa kung anong meron doon sakanila sa probinsya. Gusto kong malaman. Gusto kong malaman ang ginagawa ni Pat doon kapag wala siya dito sa Maynila. I'm fucking curious, specially now.
"Yang mga ganiyan mo, Lancie ha. Kapag umuwi ako isasama nalang kita."
"Talaga?"
"Oo. Gusto mo sama ko pa kayong lahat e."