❌❌❌🚨🚨🚨
Nang iwan ako ni Luke ay nagpa alam na pala ito na uuwi kina Lucia. Letseng lalaki na 'yon pagka tapos nang ginawa niya sa akin ay umalis na ang gago.
I won't deny to myself that he's a good kisser. Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nagawa naming dalawa 'yon. I feel so sorry for myself dahil feeling ko nag tataksil ako kay Pat. Kahit walang kami ay committed na ako sakaniya.
Myself is only for him. Wala na akong mamahalin pang iba kung hindi siya. He'll be the father of my children and I'm gotta make sure na magiging Abellano ako sooner or later.
"Bakla, mauna na ako ha. Inaantok na ako." Paalam ko kay Lucia na busy pa ring nakikipag harutan kay Evan sa tabi.
It's already 2:00 am at may usapan kami ni Pat na magkikita kami sa labas. Ayaw kong sabihin sakanila ang totoo dahil alam kong magagalit sila sa akin sa pagiging tanga ko.
"Sige lang, bakla. Uwi na rin kami mamaya maya. Kaya mo pa bang mag drive? Hatid ka namin?"
"Ah no. It's okay. Hindi pa naman ako lasing. I can manage."
"Hoy Lancie! Yung bayad mo. Sabi mo libre mo 'to."
"Tae ka Kennedy. Nag bayad na ako kanina sa may cashier. Palagay mo sa akin? Scammer?"
"Sorry. Na judge pa tuloy kita. Judger ako e. Hehe."
"Uwi na ako mga gago." Paalam ko sakanila.
"Ingat!" Sabay sabay nilang sabi.
Lumabas na ako ng VIP room at medyo kinakabahan ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa inalok sa akin ni Pat.
Like hello? He really hates me. Kaunti na nga lang ay ipatapon niya na ako sa Pluto tapos ngayon may pa ganitong offer ang lolo mo. Pero letse! Wala akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay makakasama ko na siya lagi at isa pa yiiiee. I'm gotta be his fuck buddy.
Jusko! I'm still a virgin at siya lang ang lalaking naka halik sa akin bukod kay Luke na isa pang pasimpleng manyak. Fuck. Bakit ko ba iniisip ang baliw na 'yon?!
I went at the parking lot at naabutan ko si Patricio na nakatayo sa may sasakyan niya at mukhang inip na inip siya sa pag hihintay. Mabilis akong lumapit sakaniya.
"I'm sorry. Nag hintay ka ba ng matagal?" I asked.
"No. It's okay. Get in."
Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at pumasok naman ako sa loob. Babalikan ko nalang siguro bukas dito yung kotse ko. Iiwan ko ito dahil mas gusto kong magkasama kami ni Pat kung saan man kami pupunta ngayon.
He went inside of his car too and he started the engine. Tahimik lang akong naka tingin sakaniya. Shit. Ang gwapo niya talaga!
Hinding hindi ko ipagpapalit kahit kanino man ang kakisigan na meron siya. Tinititigan ko palang siya pero parang gusto ko nang mag hubad sa harapan niya.
Pikutin ko nalang kaya siya? Tutal gusto niyan naman maging fuck buddy ako, magpa buntis kaya ako? Tapos ikakasal kami? Like emeghad. I like that idea!
Ilang minuto lang ang binyahe namin at huminto kami sa may building kung saan ang unit niya. Lumabas kami ng kotse niya at pumasok sa elevator.
I suddenly remember Luke. Dito rin daw ang unit niya base sa sinabi niya sa akin. And they have the same floor too. Ano kayang number ng unit niya?
Natigil naman ang pag iisip ko sakaniya nang bumukas ang elevator at hinila ni Pat ang kamay ko palabas. We walked on the hallway at huminto kami sa harapan ng unit niya.