Hindi ako pinapansin ni Luke buong mag hapon kahit pa na noong nag activity kami around the island. Sumama nalang tuloy ako kina Kennedy at Kent at sila ang kinausap ko ng kinausap. I don't know kung napapansin ba ng mga kasama namin na hindi kami nag papansinan pero mukhang hindi naman yata nila pansin dahil chill lang naman kaming lahat. Hindi naman siguro obvious? Kainis!
I don't know what is his problem pero after noong nangyari sa CR ay hindi niya na ako pinansin pa. Kanina pa ako na i stress dito at nalulungkot pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kasama namin ang mga kaibigan namin. Ayokong gumawa ng eksena dito. Dahil once I did, malalaman nilang lahat ang sa amin ni Luke. I'm just pretending that I'm happy and okay pero sa totoo lang ay naiiyak nanaman ako dahil lang hindi niya ako pinapansin. Kunwaring nag eenjoy nalang tuloy ako! Pero hindi! Parang gusto ko na nga lang umuwi e.
It's late at night at nandito na kami sa may dalampasigan at naka palibot sa bonfire na ginawa nila kanina. Hinihintay namin si Hong dahil aamin na siya kay Carmela at aalukin niya na ito to be his girlfriend. Kung hindi pa siya kinausap ni Lucia ay hindi pa talaga ito aamin. Grabe talaga. Yabang yabang sa amin pero torpe naman pala in real!
"Nasaan ba si Dred? Kanina pa siya wala ah." Tanong ni Carmela sa amin.
Natawa naman ako sa mukha niya dahil mukhang alalang alala na talaga siya. Tinamaan na rin talaga si loka kay Koya mong Dred. Pero huwag siyang mag alala diyan, liligaya rin naman siya mamaya. Ako lang naman yata ang hindi masaya ngayon dito! Hayop!
"Hintay ka lang. Padating na 'yun."
"Ay oh! Ano 'yun?!" Sigaw ko sabay turo sa may bandang bundok.
I saw Dred kasi standing behind the tree na. 'Yun kasi ang cue na lalabas na siya. Mygosh! I'm so excited about this! Sabay sabay na napa lingon ang mga kaibigan ko sa tinuturo ko. Sige. Kunwari nagpapa uto kayo. Mga hunghang. Acting pa more!
Si Carmela lang naman ang walang ka alam alam dito sa amin. Kasi nga 'di ba kung may alam siya, edi 'di na siya na surprise. Ano ba 'tong pinag sasabi ko? Epekto ba 'to nang 'di pagka usap sa akin ni Luke?
Lumabas naman si Dred sa pinag tataguan niya habang may hawak hawak na bulaklak. Naks! Ang gwapo talaga ng friend ko. Si Javier lang naman napahalong pangit sa amin e.
"Carmela." Tawag niya nang maka lapit siya. Nilingon naman siya ni Carmela at agad siyang lumuhod sa harapan nito. Bwisit! Kinikilig ako!
SANA ALL! Letse.
"Ayiiieee!" Sigaw ni Kennedy dito sa may tabi ko at napa kapit na ako sa braso niya dahil sa kilig.
"Dred? What's this?"
"Bulaklak 'yan Carmela. Hindi mo ba alam ang itsura nang bulak-"
"I'm so sorry if it took me so long to say this. But you know how much you mean to me right? I may not say this to you before but my actions are the proof what I really feel for you."
"Dred." Nag simula nang mangilid ang luha ni Carmela. Saya saya niya na siguro! Nati tears of the joy na siya.
"Carmela, I love you." Dred said. "I love you and I want you to be my girl. Will you be mine?"
"Oh my gosh." Bulong ko kay Kennedy at napa kurot na ako sakaniya.
"Yes, Dred. Yes." Napa tili naman na ako nang tuluyan dahil sa sagot ni Carmela.
Omg talaga! Finally! They are official! Jusko! Sana ako rin!
"Yehey! May jowa na si Dred!"
Nag apiran naman ang mga boys at tuwang tuwa sila for Hong.
"Congrats bro!"
"Gagawa na rin ba kayo ng baby?"