Simula.
Maraming kahulugan ang pag mamahal, iba-iba ang kahulugan nito para sa mga taong umiibig. Depende sa kanilang nararamdaman.
Tahimik kung pinag masdan ang kulay kahel na langit habang hawak hawak ang isang maliit na papel. I held it tila ba dito nakasalalay ang akin buhay. Sa kabilang kamay ko naman ay pinag lalaruan ko ang isang ballpen.
Gulong gulo ang akin utak nitong mga nag daan buwan at mga araw, sa dami ng iniisip at bumabagabag sa akin.
Dala na rin siguro ito ng sakit na nadarama sa akin puso, sabayan pa ng kunsensya. Pain and guilt are eating me alive.
Naagaw lang ang akin atensyon ng tumunog ang akin cellphone na nasa lamesa, katabi ito ng isang papel na dinala ng abogado ko kanina na hanggang ngayon hindi ko pa rin makuwang pirmahan. Akala ko desidido na ako sa akin plano pero hindi ko pa rin ito magawa.
Inignora ko ang tawag sa akin cellphone nung nakita ko ang pangalan ni Alden. Halos buong araw na siya tumatawag mapa landline man o sa akin cellphone ay hindi ko sinasagot. Lalo lang ako maguguluhan. Lalo lang ako kakainin ng kunsenya ko.
Pag katapos ng ilang miscalled akala ko titigil na siya. Munit agad pumasok ang akin sekretarya.
"Ma'am Maine. Si Sir. Alden po nasa kabilang linya. He wants to talk to you." Aniya. Munit umiling ako.
Nag dadalawang isip siya na umalis munit tumitig lang ako sa kanya kaya mabilis siyang tumango ag lumabas ng akin opisina.
Bumuntong hininga ako. At nagpakalunod muli sa pag iisip. Di ko nga lang namalayan ang oras dahil nakabalik lang ako sa realidad kung nag paalam ang akin sekretarya na uuwi na at dun ko lang napansin na madilim na sa labas.
Another day was ended, wala na akong ginawa kundi mag isip.
Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang pinto ng akin opisina.
His looking with me na tila ba may nagawa akong malaking kasalan. He looked at me with anger at kung nakakamatay ang mga titig niya kanina pa ako bumulagta dito.
"Why you didn't answer my call?" Galit niyang sabi.
"I was busy the whole day." Wala sa sarili kong sabi.
Umigting ang kanyang mata sa akin sabi. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang kanyang mga titig sa akin.
Narinig ko ang mabibigat niyang paglakad "Busy? Kahit busy ka sinasagot mo ang tawag ko, Maine. Pero nitong mga nakaraan linggo.." Umiling siya sa akin harapan.
Napatitig na lang ako sa kanya. Ang kanyang makapal na kilay ay nakasalubong na dahil sa galit, kapansin pansin din ang pag tubo ng kanyang facial hair.
He's more handsome and manly sa kanyang bigote.
Hold yourself together Maine. At ngayon mo pa talaga naisipan pag pantasyahan ang asawa mo sa kalagitnaan ng galit niya. Marupok ka talaga Gaga pag dating sa kanya!
"What makes you busy huh?" Napakurap kurap ako ng pagalit niyang inilagay ang dalawang palad sa lamesa ko.
Nawala ang mga atensyon niya sa akin at nabaling iyon sa akin mesa, agad ko itong sinundan ng tingin at para akong binuhusan ng malamig na tubig, kukunin ko sana ito ng naunahan niya ako.
"What is this?" Mariin niyang sabi.
He already know kung ano ang nilalaman ng papel na ito. Gusto niya lang sa akin mismo na mangaling."N-nothing." Bakas na sa akin boses ang takot.
"Damn it Nicomaine!" He cursed like a thunder. Alam kong galit na galit na siya dahil binuo niya na ang akin pangalan. "Wag mo akong gawin tanga! Nothing?" Aniya at tumayo ng tuwid at staka hinilamos ang isang kamay.