Chapter 1: Shattered

13.8K 298 7
                                    

— Wynona —

    “Oh, Wynona? Ano'ng nangyari, ba't ganiyan mukha mo?” tanong ni Azzile pagkapasok na pagkapasok niya pa lang dito sa kotse matapos niyang bumalik mula sa mall.

    Tinakpan ko lang ng kamay ko ang bibig ko at pumikit nang mariin. Hindi ko siya sinagot at mukhang nakuha naman niyang ayokong makipag-usap ngayon kaya hindi na siya nagtanong pa ulit.

    Paulit-ulit akong napamura sa isip ko habang inaalala ang nangyari kanina. Ang sikip-sikip ng dibdib ko ngayon. Gusto kong maiyak sa sobrang inis, sakit, at galit pero hindi ko magawa.

    I was really fighting my tears back because I don't want them to see me crying.

    Ano ba'ng nangyayari sa asawa ko? Gusto kong malaman kung bakit siya gano'n. Hindi ko talaga matanggap na hindi niya ako kinilala.

    “Wynona, I'm sorry pero saan kita ihahatid?”

    Napadilat ako nang magtanong si Aren. Binigay ko sa kaniya ang address ng bahay ni daddy.
   
    Nakatulala lang ako sa labas habang nasa byahe kami. Wala akong ibang inisip kun'di si Acer, kung paano ko ba siya makakausap ulit. Iniisip kong puntahan siya sa bahay nila.

    New Year na bukas. Ayokong mag-Bagong Taon nang ganito kami. Gusto kong maintindihan at ipaintindi niya sa 'kin kung ano ba'ng nangyayari.

    “Wynona, nandito na tayo.”

    Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas. Ibinaba naman ni Azzile ang salamin ng bintana.

    “Salamat sa paghatid,” walang ganang sambit ko. “Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa likod.”

    Tumango lang siya kaya umikot na ako at binuksan ang likod ng kotse. Inilabas ko ang dalawang maleta ko at bumalik ulit sa harap.

    Nag-aalalang nakatitig sa akin si Azzile.

    “Okay ka lang ba? Ano ba'ng nangyari?” mahinang tanong niya.

    Huminga ako nang malalim at saglit na napayuko. Pinilit kong ngumisi. “Magkuwentuhan na lang tayo sa susunod.”

    Nagkagat labi siya at tumango rin naman. “Sige, magsabi ka ah. Aalis na kami, babalikan ko pa ang pamilya ko e.”

    Ngumiti lang ako sa kaniya. Hinintay kong makaalis muna sila bago ako nag-doorbell sa bahay. Binuksan naman agad ito ng guards at binati ako.

    Pumasok ako sa loob at tinitigan ang bahay namin habang naglalakad na ako papuntang main door. Malaki ang bahay namin, 3 storey. White and brown ang kulay nito at maraming punong nakapaligid. Sa likod nito ay may swimming pool pa.

    Na-miss ko ang bahay namin. Pinaghirapan ito ni daddy. Itinayo niya ito gamit ang mga kinita niya sa mga negosyong pinaghirapan niya ring itayo. Kasabay nito ang pag-ahon namin sa kahirapan noon.

    May dalawang maids ang sumalubong sa akin at kinuha ang mga gamit ko. Dadalhin na raw nila sa dati kong kuwarto.

    “Nandito ba si daddy?” tanong ko sa isang katulong nang makapasok na ako.

    “Wynona, sweetheart!”

    Hindi na kinailangang sumagot pa ng maid dahil narinig ko na si dad at napalingon ako sa kaniya. Nagmamadali siyang maglakad pababa sa hagdan.

    Malalaki ang hakbang na sinalubong ko naman siya at agad na niyakap. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap sa akin.

    Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang bumalisbis pababa sa aking pisngi. Napahagulgol ako sa dibdib ni daddy at mas yumakap pa sa kaniya.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon