Chapter 16: Despair

10.1K 222 23
                                    

— Wynona —

    Nakaupo lang ako rito sa salas habang hawak-hawak ang isang PT at tinititigan ang dalawang linya rito. Tipid akong nakangiti habang iniisip kung paano sasabihin kay Acer ang tungkol dito. Kahapon ko pa pinag-iisipan 'to.

    Ibinaba ko muna sa table ang PT at hinawakan ang tiyan ko.

    Sana hindi na maging maselan ang pagbubuntis ko. Ayokong makunan ulit.
   
    Pangako ko na iingatan ko ito.

    Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng katok. Tumayo agad ako at lumapit sa pinto para pagbuksan 'yon.

    “Darwin.”

    Ngumiti siya nang tipid. “Wynona, hindi na kita sinundan pauwi kahapon kasi halata namang gusto mong mapag-isa.”

    Tumango ako at binuksan nang malaki ang pinto para papasukin siya. “Oo, buti nga hindi ka sumunod. Baka nadamay ka pa sa inis ko,” tugon ko habang sinasara na ang pinto.

    Wala akong narinig na sagot, ayun pala'y pagtingin ko sa kaniya, hawak na niya ang PT. Wala naman akong balak itago na buntis ako kaya hindi na rin ako nabahala.

    “Y-You're p-pregnant?” nauutal niyang tanong at lumingon sa 'kin.

    I nodded and walked towards him. “Yes.”

    “Ibig sabihin, m-may nangyari sa inyo?” kunot noong panibagong tanong niya na ikinatango ko ulit.

    Bumuka ang bibig niya at binitiwan na ang PT. Sinapo niya ang noo niya habang nakatitig sa akin.

    Napalunok tuloy ako at umiwas ng tingin.

    “Then nasaan siya, Wynona? Bakit wala siya rito sa tabi mo? Where the fuck is he?” malakas niyang tanong na ikinailing ko at yumuko. “Ano? Iniwan ka ba niya after may mangyari sa inyo?”

    Napahagod na lang ako sa buhok ko at hindi na dineny, tumango ako.

    He hissed. “Fuck him. Y'know what, Wynona, wala akong pake kung may amnesia, sana naman magpakalalaki man lang siya!”

    Napabuntong hininga ako at umupo na lang. Agad akong sumandal at pumikit. Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa tabi ko.

    “Alam na ba niya?”

    Umiling ako at dumilat para tingnan siya. “Hindi, pero sasabihin ko sa kaniya.”

    Tumango-tango siya at inayos ang buhok kong humaharang sa kalahati ng mukha ko.

    Napatitig ako sa mukha niya dahil nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niyang malamlam. Nakagat ko ang labi ko at napayuko na lang.

    Ang sabi niya, mahal niya pa ako. Pero heto siya, nagagalit dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Acer sa tabi ko. Alam kong nasasaktan na siya pero pinipili niyang damayan ako.

    “D-Darwin, paano kung piliin niya pa rin si Cally?” Lumingon ako sa kaniya.

    Naitikom niya ang bibig niya at hindi nakasagot agad. I heard him sigh. Napasandal na rin siya at tumingala.

    “I don't know.” He bit his lower lip before looking at me again. “B-Basta, huwag ka munang mag-isip nang ganiyan.”

    Tumango na lang ako pero hindi pa rin mawawala sa isip ko ang tanong na paano nga kung si Cally pa rin? Paano na ako? Paano ang magiging anak namin? Paano ang marriage namin?

    Maghihintay na lang ako na makaalala siya, gano'n?

    “Tara na ba? Ihahatid kita sa kaniya.”

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon