Chapter 28: Last Complication

8.8K 178 4
                                    

— Acer —

    “Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko,” nakangiting puri ko sa kaniya habang pinapanood siya sa kaniyang pagsusuklay.

    I was lying here on the bed and just looking at her in the reflection of the mirror where she was facing.

    Se also smiled and started walking closer. I quickly touched her tummy as she sat down. Malaki na 'yon dahil kabuwanan niya na.

    “Mag-ayos ka na, mahal. Magpapa-check up pa ako, 'di ba?” sabi niya na ikinatango ko.

    Dahan-dahan akong umupo at mabilis muna siyang hinalikan. “Heto na po.”

    Suot na niya kasi ang dress na binigay ko, kakabili ko lang niyon last week. Meaning, nakaayos na siya para sa pag-alis tapos ako rito ay kikilos pa lang.

    “Magmadali ka na.”

    Sinunod ko ang sinabi niya. Dumiretso ako sa comfort room at mabilis lang na naligo. Pagkatapos ko'y naabutan ko siyang nanonood sa cellphone. Nagbihis na muna ako bago ako nag-ayos at nagpabango.

    “Tara na, mahal,” sabi ko.

    Ako na ang kumuha at nagbitbit ng bag niya. Hindi pa man kami nakakalakad papunta sa pinto, may narinig na kaming doorbell.

    I sighed and rolled my eyes for a moment. Mukhang alam ko na kung bakit na naman may nagdo-doorbell.

    Sabay kaming naglakad palabas. Nakita namin sa labas ng gate ang isang delivery boy. May dala itong isang malaking box.

    Lumapit kami para buksan ang gate.

    “Sir, ma'am. Delivery po from Ma'am Chessa Zaldes.”

    I just stared at the box for a while. I shook my head.

    “Ilagay mo na lang diyan sa tapat.” Itinuro ko ang gilid ng gate.

    “Sir?” tanong nito at napatingin kay Wynona kaya napahawak sa 'kin ang asawa ko.

    “Mahal?” tanong niya rin. “Bakit dito lang? Ipapasok na lang natin kay Elie.”

    Umiling ako. “No, mahal. Hayaan na lang natin 'yang nakawin ng iba.”

    Ilang buwan nang nagpapa-deliver dito si mom. Peace offering yata? I really don't care.

    “Mahal, ano ka ba?” Kumunot ang noo niya at nilingon ang delivery boy. “Saglit lang, kuya.” Sabay lumingon naman siya sa bahay para sumigaw. “Elie! Elie!”
   
    Wala na akong nagawa at hinayaan na lang siya. Lumabas si Elie, ang katulong namin. Hinire namin siya dahil hindi na puwedeng gumawa ng mga gawaing bahay si Wynona at may trabaho ako sa kompanya.

    Kahit naman may away kami ni mom ay hindi ko pinabayaan ang kompanya. Hanggang doon ay hindi ko siya pinapansin.

    “Pakipasok nito at ilagay mo na lang sa kuwarto, okay?” utos ni Wynona kay Elie.

    I tsked at nauna nang maglakad papunta sa sasakyan. Sumunod agad si Wynona at pinagbuksan ko pa rin siya ng pinto.

    Walang nagsalita sa aming dalawa sa byahe namin hanggang sa nakarating na kami sa clinic.

    Inalalayan ko siyang pumasok. Madalas nang masakit ang balakang niya kaya kailangan niya na talaga ng alalay ko.

    Nakangiting sinalubong kami ni doktora at pinaupo. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi at tinatanong niya at sa pagsagot ni Wynona.  Sumasagot din naman ako kapag ako na ang tinatanong niya.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon