Chapter 9: Hold

7.9K 190 6
                                    

— Wynona —

    Ilang araw na 'kong hindi nagpapakita kay Acer.

    Gusto ko munang palipasin ang sakit na nararamdaman ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi na 'to mawawala hangga't hindi niya pa rin ako naaalala.

    Napabusangot na lang ako at tinusok-tusok ng tinidor ang steak na kinakain ko. Nakakawalang gana na talaga. Kahit masarap 'to, hindi ko yata kayang ubusin.

    Ilang linggo na ang nakalipas na hindi ko siya kasama, hindi ko katabi sa pagtulog, hindi kakwentuhan, at hindi masaya.

    Miss na miss ko na siya. Miss ko na ang Acer na asawa ko, hindi ang Acer na nakakaharap ko sa mga nakalipas na linggo.

    Naibaba ko ang kusara't tinidor matapos makarinig ng katok mula sa pinto ng unit ko. Iniwan ko ang pagkain sa dining para pagbuksan ang inaasahan kong tao.

    “Kuya Mong.” Ngumiti ako sa kaniya.

    Ngumiti rin siya pabalik. “Ma'am, ito na 'yung pinapakuha mo, oh.”

    Bumaba ang tingin ko sa inaabot niya. “Salamat, Kuya Mong.” Kinuha ko mula sa kaniya ang gitara.

    It's a black acoustic guitar.

    Gitara ito ni Mommy. Matagal na 'tong nakatago simula noong namatay siya. Maayos pa naman.
   
    Nagpasalamat ako kay Kuya Mong bago siya nagpaalam na mauuna na. Sinara ko ang pinto at dinala ang gitara sa sofa. Halos dalawang taon na noong huling nakatugtog ako ng gitara. Halos hindi ko na rin kabisado ang mga chords na alam ko.

    Napasimangot na lang ako at tinitigan muna 'to. Dahan-dahan ko itong niyakap at napapikit.

    Naaalala ko talaga si mommy sa gitara na 'to. Noong nabubuhay pa siya, lagi niya 'tong tinutugtog. Siya pa ang nanghaharana kay daddy.

    “I missed you, mom . . .”

    Namatay siyang hindi man lang natamasa kung anong meron kami ngayon ni dad. Kung sana lang mayaman na kami noong nagkasakit siya, napagamot pa sana namin siya. Nasa kalagitnaan pa lang sila ni daddy ng laban sa pag-angat sa buhay pero inabutan siya ng sakit niya.

    Sigurado naman akong proud siya kung ano'ng narating ni daddy ngayon.

    Binalikan ko ang kinakain ko kanina sa kitchen at itinabi ang mga 'yon. Kinuha ko na lamang ang laptop ko. Wala kasi akong magawa rito at wala rin akong balak na lumabas para humarap na naman kay Darwin kaya mag-aaral na lang ulit ako ng ibang chords.

    Ilang minuto na akong nag-aaral nang umilaw ang phone ko at lumitaw ang isang tawag.

    Napatigil ako sa pagkalikot sa gitara dahil si Acer ang tumatawag. Napabuntong hininga ako at hindi 'yon sinagot. Ni-silent ko na lang at nag-focus sa ginagawa ko.

    Tumatawag na naman siguro siya para manakit lang.

    Gusto ko siyang makausap pero huwag na muna ngayon. Fresh pa sa isipan ko ang mga ginawa't sinabi niya. Siguro nga, kahit gaano mo pa naiintindihan ang kondisyon ng isang tao, hindi niya naman maiintindihan ang nararamdaman mo.

    Gusto ko munang bigyan ng time ang sarili ko. Magpalamig at makalimot saglit.

    Itinuloy ko ang paggigitara. Napapangiti ako dahil nakabisado ko na ang chords ng kantang tinutugtog ni mommy dati.

    Natigilan na naman ako matapos makarinig ng katok. Napatitig ako saglit sa pinto, wala kasi akong inaasahan na bisita.

    Baka si daddy lang.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon