— Acer —
“Acer! What is this?”
Umangat ang tingin ko kay mommy na kakapasok lang dito sa opisina ko. Malakas niya pang sinara ang pinto bago lumapit. Pahampas niyang inilapag sa table ko ang isang folder.
“I read your report and it was so fucking nonsense, such a lame!” she said with her eyes widened. “Kaya pala puro negative comments ang narinig ko sa mga nag-uusap kaninang board members na kasama mo sa meeting!”
Niluwagan ko ang necktie ko. Hindi ko siya pinansin at kinuha na lang ang bote ng wine na kanina ko pa iniinuman dito.
“What's that, ha? Umiinom ka na naman!”
Naglakad siya palapit pero mabilis akong tumayo at umiwas sa kaniya. “Look, mom, gusto kong mapag-isa.”
Napanganga siya habang pinapasadahan ako ng tingin. “Nagkakaganiyan ka dahil sa malanding babaeng 'yon? Acer, nabuntis siya ng iba! Hindi totoong asawa mo siya!”
Kumunot ang noo ko at malakas na ibinaba ang bote sa table kaya naglikha ito ng ingay.
“Hindi siya malandi,” mariing sagot ko sa kaniya.
She sighed and shook her head. “Ano'ng hindi? She was claiming before that she is your wife but suddenly impregnated by another man? What do you want me to call her? A slut, whore, pros—”
“Mom!” Napasigaw na ako nang malakas dahil sa sinasabi niya. “Shut the fuck up!”
Napaatras siya at napahawak sa tapat ng dibdib niya. Kumuyom ang kamao ko at napasapo na lang sa noo. Inis kong sinipa ang swivel chair.
Ilang beses ko nang sinabihan si Wynona na malandi siya, na sex lang ang habol niya, at alam kong nasaktan siya nang sobra doon. Ngayong naririnig ko 'to galing sa mismong nanay ko, ako naman ang nasasaktan para kay Wynona.
Ang gago ko, sobrang sakit pa lang marinig ang mga salitang 'yon. Hindi ko dapat sinabi ang mga 'yon sa kaniya, nadala lang ako, pero ang gago ko pa rin.
“Why are you defending her? Hindi mo nga siya kilala, hindi mo kilalang kilala ang buong pagkatao niya!” Napasigaw na rin siya habang dinuduro ako.
“Maybe you're right na hindi ko nga siya kilalang kilala, pero please mom, huwag mo nang ulitin pa ang mga pagkakamali ko— pagkakamaling sinabihan ko siya ng masasakit na salita kagaya niyan!” kunot noong sagot ko at tinalikuran siya. Namewang ako habang pinagmamasdan ang nasa labas nitong kompanya.
“Wala kang maling ginawa, Acer. Tama lang 'yon sa babaeng 'yon because she really is a slut—”
Napaharap ulit ako sa kaniya at malakas na hinampas ang table ko. Gumalaw ang lahat ng gamit na nandoon at napapitlag siya habang nakatakip ng kamay sa bibig niya.
Mabigat ang hiningang tinitigan ko siya nang malamig. Sunod-sunod akong napahinga nang malalim at tumayo na ulit nang tuwid.
“Sorry if I can't focus on my work. Honestly speaking, I don't want to work. All I want to do is to find Wynona and ask for her forgiveness. I already I realized how jerk I am, mom.” Sinubukan kong maging mahinahon sa pagsasalita. “Now, if you don't want us to fight, get out.”
Napasinghal siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Masama niya muna akong tinitigan bago naglakad palabas.
Napasapo ako sa buong mukha ko bago umupo at sumandal. Kinuha kong muli ang wine at itinuloy ang pag-iinom.
Hindi naman ako nalasing sa isang bote kaya napagdesisyunan kong lumabas ng kompanya. I don't really want to work, it sucks.
My phone vibrated. I received a message from Xyemon.
![](https://img.wattpad.com/cover/178565690-288-k531479.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RandomCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...