Chapter 15: Lines

8.7K 180 11
                                    

— Wynona —

    “Ano nang balak mo?” tanong ni Azzile bago umupo sa tabi ko, dala-dala ang tubig na kinuha niya. “Dalawang linggo ka nang hindi nagpapakita kay Acer, 'di ba?”

    Tumango ako at tinanggap ang tubig na inabot niya. “Oo, hindi ko na kaya.”

    Two weeks, two weeks na 'kong nakakulong dito sa condo ko. Lalabas lang ako kapag bibili ng stock ng pagkain ko, o kaya kapag dadalawin ko si dad. Kahit isang araw sa dalawang linggong 'yon ay hindi na ulit ako nagpakita kay Acer matapos niya 'kong iwan.

    Ang sakit na, e. Sobrang sakit na.

    Nagkatinginan sina Azzile at Aren. Hinagod ni Azzile ang likod ko at bahagya akong niyakap sa ulo.

    “Kami lang talaga ang naalala niya sa London, ano?” singit ni Aren na ikinatango ko ulit. “This is not the systemized amnesia that I know. Maybe ibang level na 'to ng amnesia?”

    Inilapag ko ang baso sa lamesa at napasandal na lang. “Salamat sa inyong dalawa kasi nandito kayo sa tabi ko. Salamat din sa tulong pero wala pa rin, e. Hindi pa rin siya naniwala.”

    “Shh, basta nandito lang kami. Isang tawag mo lang, darating kami para damayan ka,” nakangiting sabi ni Azzile na ikinangiti ko na rin.

    “Yeah, Wynona, asahan mo kami,” nakangiti ring gatong ni Aren. “Pero for now, we have to go. May pupuntahan pa kasi kaming importante.”

    Napalabi ako at umayos na ng upo. “Take care, guys. Salamat ulit.”

    Hinatid ko na silang dalawa sa pinto. Napatingin pa nga ako sa braso ni Aren na pumulupot sa bewang ni Azzile. Napabuntong hininga na lang ako at pilit na ngumiti sa kanila.

    Na-miss ko lang na laging ginagawa ni Acer sa 'kin 'yon noon.

    For me, simple gestures matter the most.

    Si Azzile na ang nagbukas ng pinto pero pare-pareho kaming natigilan matapos makitang may tao pala sa labas.

    Si Darwin 'yon na nakataas pa ang kamay at akmang kakatok sana. Agad siyang ngumiti habang napalingon naman sa akin sina Aren at Azzile.

    “S-Si Darwin pala,” tipid na pakilala ko kay Darwin.

    “Kaibigan niya,” dugtong ni Darwin na ikinatingin ulit sa kaniya ng dalawa. “Hi, Azzile. Cousin din ako ni Waves.”

    Napatango-tango lang si Azzile. “Oo, naalala kita. Ikaw 'yung sumalubong kay Wynona sa Airport. Nice to meet you again.” Humarap na sa 'kin si Azzile. “Aalis na kami, ha? Ingat ka rito.”

    “Salamat.”

    Tumabi muna si Darwin para makadaan ang dalawa. Sinundan pa namin sila ng tingin hanggang sa nakapasok sila sa elevator.

    “Oh, bakit ka nandito?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

    “Wow, grabe. Almost two weeks mo akong hindi nakita 'no,” nakasimangot niyang sabi na ikinataas lalo ng kilay ko.

    Oo nga, two weeks na rin pala siyang walang paramdam. “And? Ano ba'ng nangyari sa 'yo?”

    “Puwedeng pumasok muna tayo?” tanong niya at nginuso pa ang loob ng unit ko.

    Inirapan ko lang siya at pinapasok nga. Dumiretso siya sa sofa at prenteng umupo ro'n.

    “Nag-out of Town kasi kami ng family ko,” ang sagot niya bago tumingin sa 'kin. “Hindi nga sana ako sasama kaso naisip ko na y'know huwag muna magpakita sa 'yo.”

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon