Chapter 18: Back to L

10.8K 212 4
                                    

— Wynona —


    “Anak, kumain ka muna.”

    Hindi ko tinapunan ng tingin si daddy na kakapasok lang. Nandito na 'ko sa bahay namin at nasa kuwarto ko.

    “Wynona, you have to eat. Kanina ka pa hindi kumakain,” ulit niya pero umiling lang ako.

    Kanina pa ako nandito sa tabi ng bintana, nakatanaw sa labas, nilalanghap ang simoy ng hangin, pinagmamasdan ang kalangitan, at paulit-ulit na tinatanong ang Diyos kung bakit nangyayari sa 'kin 'to ngayon.

    Aminado akong minsan ay masama nga ang ugali ko pero kailangan ba talagang ganito kasakit at kahirap ang parusa sa 'kin?

    “Buntis ka, hindi ba?”

    Napabuntong hininga ako at hinarap na siya dahil sa tanong niya. Kanina ko pa nasabi sa kaniya ang tungkol doon.

    “Dad, ayokong kumain,” tipid kong sagot at ibinalik na ang atensyon sa labas.

    Nakakawalang gana. Hindi ko na alam kung paano pa 'ko magpapatuloy.

    “Sweety, isipin mo naman ang health mo lalo na't buntis ka,” mahinahon pa ring pilit niya sa 'kin.

    Umiling ako. “Pakilapag na lang po diyan sa table.”

    Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na ginagawa nga ang sinabi ko. Matapos niyang ilapag ang tray ng pagkain, humila siya ng isang upuan papunta sa tabi ko at doon umupo.

    Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa 'kin. Umangat ang kamay niya sa ulo ko at marahan itong itinutulak pasandal sa kaniya.

    Napakurap-kurap ako at huminga nang malalim para pigilan ang pag-iyak. Ilang oras na 'kong umiiyak kanina, ayoko na, kahit sa pag-iyak ay napapagod na ako.

    “Dad, ano ba talagang connection n'yo ni mommy kay Tita Chessa? Sa mga Zaldes?” tanong ko dahil ayan talaga ang bumabagabag sa isipan ko kanina pa.

    Hindi ko kasi akalain na aabot si Tita Chessa sa puntong 'to, pagbantaan ba naman ako?

    Matagal na hindi nagsalita si dad. Naghintay na lang ako habang pinapanood ang paglubog ng araw.

    He sighed. “Si Chessa kasi at ang mommy mo, magkaibigan sila noon.”

    Kumunot ang noo ko at napatingala para tingnan siya saglit. “Totoo?”

    He nodded. “Oo, anak. Nasira lang ang pagkakaibigan nila dahil kay Allan.”

    Allan?

    Parang narinig ko na 'yon.

    Napatuwid ako ng upo matapos ko 'tong maalala. “Allan? 'Yung daddy ni Acer?” medyo nanlalaki mata pang tanong ko.

    Tumango ulit siya. “Yes. Pareho siyang minahal ni Chessa at ng mommy mo noon.”

    Nagkagat labi ako at dahan-dahang tumingin muli sa labas. Hindi na muna ako nagsalita para hayaan siyang magkuwento.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon