Prologue

21.1K 355 14
                                    

    “Wynona, ready na kami!”

    Napatango-tango ako nang marinig ko na ang sigaw ni Azzile mula sa labas. Mabilis kong hinila ang dalawang maleta ko at kinuha ang susi ng bahay. Paglabas ko ay nakita ko si Aren na nagpapasok na ng mga gamit nila sa kanilang kotse.

    Ni-lock ko na ang pinto bago lumapit sa kotse nila.

    “Ako na,” sabi ni Aren na ang tinutukoy ay ang paglalagay ng mga maleta ko sa likod ng sasakyan. “Pumasok na kayong dalawa.”

    Nanatili akong tahimik hanggang sa nakapasok na ako sa back seat habang si Azzile ay sa harap umupo.

    Lumingon siya sa 'kin nang nag-aalala ang mga mata.“You okay, Wynona? Don't worry, tuloy na tuloy na 'tong pag-uwi natin.”

    Napabuga na lang ako ng malakas na hangin at umiwas ng tingin. Hindi ko siya pinansin at kinuyom na lang ang kamao ko. Itinukod ko ang ang siko ko sa gilid ng bintana at tumingin sa malayo.

    “Magiging okay rin si Acer.” Napalingon lang ako saglit kay Aren na kakapasok lang dito sa sasakyan.

    Ibinalik ko ang tingin ko sa labas at hindi pa rin sumagot sa kanila.

    One week ago nang maunang umuwi si Acer sa Pilipinas. Pinauna ko siya dahil may inaasikaso pa 'ko rito sa London tungkol sa business ni dad. Maaga ko namang natapos at nagpaplano nang sumunod sa kaniya pero nakatanggap ako ng tawag mula kay Tita Chessa na naaksidente raw si Acer habang pauwi sa kanila.

    Nabangga raw ang sasakyang sumundo kay Acer. Malala ang lagay niya, ayun lang ang sabi nila sa akin.

    And for the fuck's sake, paano ako kakalma rito kung one week ago na 'yon? Laging naka-cancel ang byahe namin dahil bisperas ng pasko niyon at may bagyo pang dumating. Kaya heto, ngayon lang ako makakauwi sa Pilipinas bago dumating ang Bagong Taon.

    At ang nakakainis pa, wala na akong balitang narinig pa tungkol kay Acer! Hindi na 'ko tinatawagan ni tita at hindi ko rin sila matawagan. Kahit sino sa kanila ay walang sumasagot sa tawag ko at doon nagngingitngit sa inis ang loob ko.

    Sa ginagawa nilang 'di pagbabalita sa akin, mas nag-aalala ako sa asawa ko. Alam ko namang hindi nila ako gusto para sa anak nila pero sana naman respetuhin nila ang nararamdaman ko rin at kilalanin nila na asawa ako ng anak nila kaya kailangan ko ring malaman kung ano nang kondisyon niya.

    “Fuck!” napasigaw ako bigla at napasapo sa mukha ko.

    “W-Wynona, kalma!” saad ni Azzile pero hindi ko pa rin siya pinansin.

    Huminga ako nang malalim para huminahon pero wala rin namang saysay. Dumagdag pa ang ingay ng iyak ni baby Zileren (zayl-ren). Pinatahan naman agad ni Azzile ang anak niya.

    Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Atat na atat na 'kong makauwi sa Pilipinas at makita si Acer.

    “Matagal pa ba tayo?” tanong ko na lang habang tumitingin sa dinadaanan namin.

    “Malapit na.”

    At no'ng sinabi niyang malapit na, ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa airport. Mabilis akong bumaba at tinulungan na siyang ilabas ang mga gamit ko. Ibinigay na ni Aren ang susi sa isang lalaking ewan ko kung sino.

    “Tara na, malapit na ang alis ng eroplano,” 'aya ni Azzile kaya sumunod na agad kami sa kaniya.

    Mabuti na lang at nandito sina Azzile at Aren. Sila rin ang naging sandalan ko no'ng nalaman kong naaksidente si Acer. Sila lang naman lagi ang natatakbuhan namin ni Acer kapag may problema kami. Buti na lang talaga at sila ang naging kapitbahay namin dito no'ng dumating sila rito nine months ago.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon