Chapter 8: Hardness

8.4K 205 13
                                    

— Wynona —

    “Ma'am, ano po ba'ng nangyari diyan sa paa mo?”

    Nahinto ako sa malalim na pag-iisip habang nagmamasid sa labas. Nilingon ko ang driver na nagda-drive ngayon ng kotseng sinaksakyan ko. Siya ang personal driver ni daddy at nagpasundo lang ako.

    Hindi ko kasi kayang mag-motor ngayon. Hindi ko alam pero baka kasi madisgrasya ako kahit kaya ko pa namang makatayo nang mag-isa.

    “Natapilok lang ako,” tanging sagot at pagsisinungaling ko. Tumango-tango naman siya at nag-focus na ulit sa pagda-drive.

    Sa bahay ako ni dad natulog kagabi dahil siya lang naman ang comfort zone ko sa ngayon. Wala akong ibang ginawa kun'di umiyak dahil sa nangyayari sa amin ni Acer.

    Kung noon, si Acer ang comfort zone ko sa London, ngayon naman ay siya na ang dahil kung bakit kinakailangan ko ng comfort lagi mula kay daddy.

    Napaismid na lang ako at ipinagpatuloy ang pagtingin sa labas. Pinanood ko lang ang paglagpas ng sinaksayan namin sa mga building na nadadaanan namin. Halos wala na akong makitang puno sa labas, napupuno na talaga ang Maynila ng mga gusaling nagtataasan. Kung may makita man ako, masyadong malayo bago ko pa makita ang kasunod na puno.

    Gano'n lang ang ginawa ko sa buong byahe hanggang sa huminto ang sasakyan sa parking lot ng kompanya ni daddy. Nagpasalamat ako kay Kuya Mong at bumaba na. Nagsabi pa nga siya na ihahatid at aalalayan niya na ako papasok pero tumanggi ako.

    Masakit lang ang paa ko pero kaya ko pang maglakad, ’no. Nabigla lang 'to sa pagtulak ni Acer, natapilok nga siguro.

    Kilala na ako sa loob ng kompanya kaya hinayaan nila akong makapasok hanggang loob at makaakyat papunta sa opisina ni dad.

    “Fuck! How did they know, Mr. Vasco?”

    Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sigaw ni dad mula sa loob. Mukhang galit siya.

    Hindi na muna ako pumasok para bigyan sila ng privacy ng kausap niya. Nginitian naman ako ng secretary na nandito sa labas at nagt-tear ng papers.

    Ngumiti rin ako pabalik bago inilabas ang cellphone kong tumunog. Mas kumunot ang noo ko matapos makakita ng text galing kay Darwin . . . na naman.

    “Saan ka na nakatira? Umalis ka na dw dto sa bahay nyo.”

    Tumaas ang kilay ko at napailing na lang.

    Bakit naman siya nasa bahay? Itong lalaking 'to, walang ibang ginawa kun'di guluhin ako.

    Hindi ko na pinansin ang text nang bumukas ang pinto at lumabas ang isang matandang lalaki. Yumuko siya sa 'kin kaya napayuko rin ako saglit. Nang lagpasan niya 'ko, pumasok na 'ko sa loob ng office ni dad at naabutan siyang nakasandal sa chair niya habang hinihilot ang sentido.

    “Dad, what's the problem?” I asked.

    Umayos siya ng upo. “Damn that Chessa,” mariing sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

    Dahan-dahang akong umupo sa upuang nasa tapat ng table niya. “Chessa, dad?”

    Name ng nanay ni Acer 'yon, e.

    Naitikom niya ang bibig niya at mabilis na umiling. Huminga muna siya nang malalim bago ngumiti sa akin. “Yes, sweety. Chessa Sarazoza, one of my investors that is giving me a headache.”

    Napatango-tango na lang ako dahil kapangalan lang pala.

    “So, how's your ankle?” he asked.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon