— Wynona —
Dumating na ang araw ng kasal ni Azzile. Nandito na kami pareho ni Acer sa venue ng kasal which is sa beach dahil beach wedding ang magaganap.
Hindi ako ang bridesmaid. Gustuhin ko mang maging bridesmaid ay hindi na ako pinayagan ni Acer dahil buntis nga ako at may kalakihan na ang tiyan ko. Nag-iingat lang kami.
Marami na ang bisitang nandito. Nakita ko na nga ang kambal ni Azzile at magkamukhang magkamukha talaga sila, makikilala lang sila sa hairstyle, mahaba ang kay Elizza habang maikli naman ang kay Azzile.
“Puwede ba nating ulitin ang kasal natin?” tanong ni Acer kaya natigil ako sa pagtingin sa paligid at pinagtuunan siya ng pansin.
Nakangiti siya sa 'kin.
Tumaas ang kilay ko. “Renewal of vows agad?” Tumango siya. “Sige, pagkapanganak ko na lang. Okay?”
Tumango ulit siya. “Okay po.”Natawa ako nang mahina at sumandal sa kaniya. Inakbayan niya naman agad ako at itinaas-baba ang kamay niya sa ang aking braso.
Hindi umabot ng kalahating oras ang paghihintay namin. Nagsimula ang seremonya ng kasal nang dumating na si Azzile.
Ngiting ngiti ako habang pinagmamasdan ang simple pero napakaganda niyang gown. It was a slim off-shoulder gown and shining because it was crystalize.
Halos lahat kami ay nakangiting pinapanood ang dalawang ikinakasal. Kahit ako rin naman ay hindi maitago ang saya para sa kahilang dalawa. Bagay na bagay sila at nakikita ko namang totoong nagmamahalan.
Habang patuloy ang ceremony ng kasal nila, naalala ko rin ang kasal namin ni Acer. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamasayang babae noong sandaling 'yon. Ang gusto ko kasi noon ay maikasal ako sa taong mamahalin at aalagaan talaga ako nang sobra, 'yung totoo, tanggap ako, at sigurado sa akin.
Si Darwin ang unang lalaking 'yon ngunit dahil sa mga bagay na hindi nabigyan ng linaw, hindi siya ang nagdala sa akin sa altar. Hindi rin naman ako nanghihinayang at lalong lalong hindi ako nagsisisi na si Acer, na hanggang ngayon ay minamahal ko nang sobra, ang nagharap sa 'kin sa altar.
At mukhang mauulit pa dahil balak niya yata akong pakasalan ulit.
Napangiti na lang ako at yumakap sa braso niya. Tiningnan niya lang ako saglit at tumingin ulit sa ikinakasal.
Sana hindi na 'to matapos.
At natapos na nga ang kasal nina Azzile at Aren sa isang halik at pag-aanunsyo ng pari na sila ay kasal na.
Halos lahat ay isa-isang lumapit sa kanila para bumati. Gano'n din naman kami ni Acer. Lumapit kami sa kanila habang hawak niya ako sa bewang.“Best wishes, Azzile and Aren! Congrats!”
“Thank you, thank you sa inyong dalawa ha?” nakangiting sagot ni Azzile. “Enjoy the reception,” sambit naman ni Aren.
Dito lang din naman ang reception sa beach kaya nagsimula na agad ang kasiyahan. Puwedeng mag-swimming at bayad na raw ito nina Azzile.
Inaya ako ni Acer na mag-swimming at pumayag naman ako. Nagbihis lang muna kami ng simpleng tee shirts at shorts. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa dagat. Nakita ko pa si Elizza at Waves na nasa tubig na rin at naglalampungan.
Kasabay nito ay tanaw namin ang magandang sunset. Halos kulay kahel na ang kalangitan.
“Mahal . . .” tawag sa 'kin ni Acer bago pumunta sa likod ko at niyakap ako mula roon.
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RandomCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...