Chapter 29: Souls Day

9.7K 181 24
                                    

THIRD'S POV —

    “D-Doc, wala siyang pulso!”

    Acer was barely able to move because of what he heard the nurse say. He stiffened even more in his stance when their baby started crying.

    Ang nurse na nagsabi niyon ay ang nurse na tumitingjn kay Wynona. He checked her wrist and find out that there's no pulse beat anymore. Kumilos agad ang ibang nurse at doctor para asikasuhin siya.

    Tulalang tulala si Acer habang hindi matanggap ng isip niya ang kaniyang narinig. Kahit siya ay tinatanong ang sarili niya kung ano ba 'yung narinig niya.

    “M-Mahal!” Sa wakas ay nagawa niya nang gumalaw at lumapit sa asawa niya pero hinawakan siya ng dalawang nurse para pigilan.

    “Sir, sandali. Kami na po ang bahala.”

   His lips trembled as he glanced at Wynona.

    “N-Nawalan lang siya ng malay,” nauutal niyang sabi sa kanila. “Please, tell me na nawalan lang siya ng malay. Nanghina lang siya at kailangang magpalakas ulit!” Nagtaas na siya ng boses pero nagkatinginan lang sila.

    Kuyom ang kamao na tinakpan niya ang bibig niya habang tinitingnan ang ginagawa nila.

    His tears did not stop dripping as he watched them revive his wife. Hi chest tightened because Wynona was not responding.

    Alam niyang may mga namamatay sa panganganak pero gusto niya pa ring isipin na hindi puwede 'to, hindi 'to nangyayari, walang mangyayaring masama sa asawa niya.

    He was stunned when nurses and doctor's shoulders dropped.  They all looked at each other. Then he saw the doctor look at his wrist watch.

    “Time of death,  10:46 PM, November 2.”

    Napasigaw si Acer at marahas na tinulak ang dalawang nurse na humaharang sa kaniya kanina. Halos talunin niya ang pagitan nila ng hinihigaan ni Wynona at napaluhod pa siya sa tabi nito.

    “M-Mahal?” tawag niya rito. Punong puno ng luha ang mukha niya. “M-Mahal, w-wake up. Huwag ka n-namang magbiro nang ganiyan.”

    Pinilit niyang tumawa habang hinahawakan ang mukha ni Wynona. Pakiramdam niya'y may pumupunit sa puso niya pero nagawa niya pa ring ipilit ang ngiti niya.

    “M-Mahal, umiyak na si baby, oh. T-Tara na? Aalagaan mo pa s-siya, b-bibigyan ng gatas, tsaka sabi mo magiging mabuti kang ina sa kaniya, 'di ba?” Hinalikan niya ito sa noo.

    Kumuyom ang dalawa niyang kamay nang hindi na talaga sumasagot at gumagalaw si Wynona. Tumayo siya para mas mayakap niya 'to nang maayos at mahigpit.

    Parang gusto na lang din ni Acer na mawalan ng malay ngayon at tumabi sa asawa niya. Ang puso niya ay tila paulit-ulit na tinutusok habang yakap ang wala nang buhay na katawan ni Wynona.

    Napapikit siya at hindi maiwasang mapahagulgol.

    Sa isang iglap lang ay nawala sa kaniya ang asawa niya.

    Naging tahimik ang pag-iyak niya na naging hudyat para sa doctor na lumapit at magsalita.

    “We are so sorry for your loss, Mr. Zaldes. Nagkaroon ng maternal sepsis o matinding infection ang asawa mo, sinabayan ng walang tigil na pagdurugo na naging dahilan ng pagkamatay niya.”

    Hindi niya kayang tanggapin ang nangyayari. Hindi niya magawang bitiwan at layuan si Wynona, gusto niyang yakapin lang ito at umasang yayakap ulit siya pabalik sa kaniya.

Wife Series #2: The Forgotten WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon