— Acer —
“Where are you going?”
Hindi ko pinansin si mom at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas ng bahay. Dumiretso ako sa sasakyan ko.
“Acer!” pasigaw nang tawag niya sa 'kin.
I heaved a sigh before facing her. ”Pupuntahan ko si Wynona,” matigas kong tugon.
Her mouth slightly opened while shaking her head. She held my hand. “No, son. Ano ka ba? Si Cally ang puntahan mo! Ayusin n'yong dalawa ang away ninyo.”
My eyebrows met. “Mom, hindi na maaayos 'to at ayoko na ring ayusin.” I chuckled a little. “Did you know that she is pregnant and the father is her another man?”
“W-What?” She blinked many times. Unti-unti siyang napabitiw sa akin at umiwas ng tingin. “H-How can you be so sure?”
“Inamin niya mismo sa akin.” Hindi niya na ako napigilan nang pumasok na ako sa kotse. Ibinaba ko ang bintana at seryoso siyang nilingon. “It's Wynona that I want to see and to talk to.”
“Acer, no!” sigaw niya nang paandarin ko na ang kotse.
Honestly, hindi ko talaga alam kung saan ko hahanapin si Wynona. Pero inutusan ko na si Xyemon na alamin kung saan nakatira ang tatay niyang si Nolan Magdalena.
Habang nasa byahe, inasahan ko na ang pagtawag niya. Agad kong sinagot 'yon.
“Alam ko na kung saan sila nakatira,” bungad niya na ikinatango ko. “I will message you the address.”
“Thanks, dude.”
“Welcome, pare. So, ano? Na-realize mo na kung sino? Sino ang mahal mo, sino ang gusto mong makasama, sinong hinahanap mo?” sunod-sunod niyang tanong.
“Yes.” Naisip ko na naman si Wynona. “Dude, niloloko ako ni Cally pero wala akong maramdamang sakit. Samantalang kapag umiyak na si Wynona, nadudurog din ako.”
Natawa siya nang mahina sa kabilang linya. “Tama 'yan, pre. Si Wynona na kasi piliin mo. Wala namang masama kung maniniwala ka sa kaniya.”
I hissed.
Matagal ko nang iniisip kung bakit ang biased ng lalaking 'to. Puro siya Wynona. Parang hindi rin naman sila magkakilala ni Wynona kaya nakakapagtakang botong boto siya rito.
“Sige na,” paalam ko at in-end na ang call.
Na-receive ko agad ang text niya. Alam ko kung saan ang address kaya nagmadali ako sa pagmamaneho pero may pag-iingat pa rin.
Hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit. Ilang araw na, e. Ilang araw nang wala siyang paramdam. Inaamin kong nami-miss ko na nga siya.
I want to say sorry as many as I can. Gusto kong bumawi at sabihin sa kaniya na kahit hindi ko pa rin siya maalala, tatanggapin ko na siyang asawa ko. Alam kong sobra 'yung sakit na naramdaman niya sa 'kin pero gagawin ko ang lahat para mapalitan 'yon ng saya.
Kung pinakinggan ko lang noon 'yung puso kong tumitibok para sa kaniya, hindi sana siya napagod, hindi siya sumuko. Kung alam ko lang na niloloko lang pala ako ni Cally, hindi sana mangyayari 'to. Pero wala namang nakakaalam sa mangyayari, 'di ba.
Itinigil ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Mabilis akong bumaba at lumapit sa gate. Isang guard ang nagbabantay ro'n.
“Sir, ano'ng kailangan mo?” tanong niya.
“Nandiyan ba si Wynona?” tanong ko rin.
Hindi siya sumagot at lumingon lang sa likod. Doon ko nakita ang isang kotseng papalabas na.
Umalis ang guard at lumipat sa malaking gate nila. Binuksan niya 'yon para sa sasakyang dadaan.
Pagkalabas ng sasakyan, tumigil muna iyon. Naglakad ako palapit. Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan.Si Sir Nolan.
“S-Sir, where's Wynona?” I asked.
Umiwas siya ng tingin at umiling sa akin. “What are you doing here, asshole?” Naging mahinahon pa rin ang boses niya kahit gano'n ang tanong niya.
“I want to talk to Wynona.”
“Wala siya rito,” sagot niya na nagpakunot sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
Ngẫu nhiênCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...