— Wynona —
Patakbo na akong lumapit sa elevator para hindi maabutan ni Acer. Papasok na ako sa elevator nang lingunin ko siya at doon lang siya lumabas mula sa opisina niya. Malakas niya akong tinawag.
Nagsara ang elevator nang hindi niya ako naabutan kaya nakahinga ako nang maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at yumuko. Buti na lang ay walang ibang tao rito at walang nakakakita ng pag-iyak ko.
Nang nakarating na 'ko sa ground floor, nagmamadali pa rin akong naglakad palabas. Mas bumilis ang paglakad ko nang marinig ko na naman ang boses ni Acer, mukhang sa hagdan siya dumaan.
“Wynona! Wait!”
Napapatingin na sa akin ang ibang taong nakakasalubong ko dahil na rin sa pagmamadali ko at paghabol ni Acer sa 'kin.
Natanaw ko agad si Darwin nang nakalabas ako. Nakasandal pa rin siya sa kotse niya at napatayo agad nang tuwid matapos akong makita. Kumunot ang noo niya at sinalubong ako.
“U-Umiiyak ka ba?” tanong niya nang nagkaharap na kami. Nakatitig siyang mabuti sa mga mata ko. “Shit, what happened?” Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ro'n.
Hindi ako sumagot kaya napatingin siya sa likod ko, sigurado akong nakita niya na si Acer.
“U-Umalis na tayo,” sambit ko na ikinatango niya.
Hinila niya 'ko palapit sa kotse niya at binuksan ang pinto para sa 'kin. Agad akong pumasok sa loob, gano'n din si Darwin.
Hindi ko natiis at tumingin pa rin ako sa labas para makita si Acer. Nakagat ko ang labi ko matapos ko siyang makitang nakatayo medyo malayo pa rito sa sasakyan.
Sarado ang mga palad niya habang nakatitig lang sa direksyon namin. Umiwas ako ng tingin at yumuko.
“Ano ba'ng nangyari?” tanong muli ni Darwin habang pinapaandar na ang sasakyan. “Anong sabi niya?”
I gulped. “Hindi ko nasabi sa kaniya.”
“Why?”
Nanginig ang labi ko at nakurot ang sarili kong balat sa kamay. Naninikip na naman ang dibdib ko sa sakit.
“Hindi lang ako 'yung buntis . . .”
Saglit na katahimikan ang namayani. Pinunasan ko na lamang ang luha ko at sumandal para tumingin sa labas.
“W-What do you mean?” sa wakas ay tanong niya makalipas ang ilang minuto.
Huminga ako nang malalim at pumikit. “Si Cally, buntis din siya.”
At wala namang ibang puwedeng maging ama ang dinadala niya kun'di si Acer. Sila lang naman ang magkasama.
Ang Cally na 'yon, huwag na huwag siyang magpapakita sa 'kin. Baka kung ano pa'ng magawa ko sa kaniya. Sinamantala niya ang kondisyon ni Acer!
Ang magaling kong asawa, kung naniwala lang siya sa 'kin noong una pa lang, hindi sana nangyayari 'to ngayon. Wala sana ako sa ganitong kasakit na sitwasyon.
“What the fuck . . .” pabulong na mura ni Darwin.
Napatango ako at dumilat. “Yeah, what a fuck.”
Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama bang sukuan ko na ang asawa ko kahit magkakaanak na kami? Tama bang ipaubaya ko siya kay Cally samantalang kami naman ang mag-asawa?
Siguro kahit mali pa 'to, hindi ko na rin kaya. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Pagod na 'ko, e. Pagod na pagod na 'ko. Ayokong ayokong sumusuko sa isang laban pero heto ako, sukong suko na.
BINABASA MO ANG
Wife Series #2: The Forgotten Wife
RandomCOMPLETED "I don't want to give up, but he wants me to. I'm Wynona-- The Forgotten Wife." Love. Hatred. Sorrow. Grief. Mourn. Happiness. Forgiveness. Love. Mourn. She knows how to fight back against men because she believes not because they are men...